DIL #7

367 10 0
                                    

7

“Tell me if it hurts” Tumango lang ako at sinimulan niyang gamutin ang sugat ko. dinampi dampi niya muna ang bulak para mapunasan ang dugo. Tapos binuhusan niya ng alcohol ang isa pang bulak at dahan dahang dinampi.

Ngumiwi ako at tinignan siya.

“Sorry” sabi niya at mas naging gentle siya sa pag gamot. Pinapanood ko lang siya habang ginagamot ako. may puso rin naman pala siya eh. una, pinatulog niya ako doon, pangalawa, nilibre niya ako ng pizza kahit na ang tagal, at pangatlo, ginagamot niya ako.

Nilagyan na niya ng malaking band aid at dinikit ng mabuti. Tumayo siya at pumunta sa banyo niya. nilibot ko ang tingin sa kwarto niya. malinis. Puro puti at itim lang ang nakikita ko, walang ibang colors.

“Read this” hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya. May binibigay siyang papel sa akin.

“What for?”

“dadagdagan ko ang bayad ko sainyo kapag binasa mo to” tumaas ang kilay ko at tinignan ang papel na hawak niya.

Kinuha ko at binuksan. What the fuck? Ano to?

“No” sabi ko at ibabalik sana sa kamay niya ng ibulsa niya ang kamay niya.

“Read it” umirap na lang ako at binasa ito.

“I’m breaking up with you. I don’t love you. I never loved you” sabi ko at tinignan siya. Nakapikit siya at ganun parin, poker face. Just like me.

“Again. Ulit ulitin mo” umirap na lang ako at binasa ulit ito. Binasa ko ito ng higit pa sa benteng beses. Bumuntong hininga ako at tumigil na.

“You know what, kahit kaboses ko ang girlfriend mo. This won’t do. I’m not her” sabi ko. minulat na niya ang mata niya at tumingin sa akin.

“That’s the script. Say it when I tell you to say it.” Sabi niya

“May dagdag sa bayad?” Tumango lang siya at umupo sa tabi ko. kinuha niya yung picture frame na nasa side table.

Tinignan niya ito at sumilip ako. a picture of him…and a girl. She’s pretty, cute, she has chinky eyes and a small nose. She’s petite and has a perfect hair. Hinahangin ang buhok nito sa picture, nakangiti sila pareho ni red hair.

So that’s what he look like when he smile huh. I don’t like it. I prefer him being poker faced than smiling.

“Patrice, known as Ice. She has a lot of similarities with you. your voice, your eyes, and your hair.” Oo nga. parehas kami ng buhok, mahaba at wavy sa dulo. parehas kami ng mata, singkit. But my voice? I don’t know. Hindi ko naman kasi siya kilala.

“Eunice. Can you tell me the script everyday? Para lang maisip ko na siya mismo ang nagsasabi nito sa akin.”

“Why me? My technology naman na kayang manggaya ng boses”

“Mas maganda pag personal. I’ll think that she’s really breaking up with me” sabi nito. Tumaas ang kilay ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon