DIL #21

245 4 0
                                    

21

So today’s Saturday, and lalabas kami ni Mio. Nandito na ako sa labas ngayon, nakasandal sa motor ko. dinala ko ang sariling helmet ni Mio, she has one. Hello kitty ito at sa Japan ko pa ito binili.

“Ate!” lumabas na siya kasabay ang mom niya.

“Oh.” Sinuot ko sa kanya ang helmet niya at mukha siyang maliit na tao na may malaking ulo.

“Ingatan mo yan” paalala sakin ng mama niya. Tumango na lang ako at sinakay si Mio, sa harap ko siya sasakay dahil nakakatakot kapag sa likod at kakapit siya sa akin. baka mahulog lang siya.

Inandar ko na ang motor at sumigaw pa ng pahabol ang mom niya.

“I love you!” kumaway na lang si Mio at napairap ako. buti na lang at may helmet kaya hindi niya ito makikita.

“Saan tayo?” tanong ko

“Ate, I want to go to the public playgrounds” Tumango na lang ako at nagdrive papunta sa playground na laging naming pinupuntahan ni mais.

“Wee!” sigaw niya habang nagsaslide. Walang katao tao. Wala ang mga bata dahil tanghaling tapat at baka nanananghalian sila lahat kaya solo ni Mio ang playground. Umupo na lang ako sa puno na tinulugan ko dati.

It’s really nice just sitting below a tree and watch as the wind blows your hair.

“Mio, don’t do that” saway ko. umakyat kasi siya sa monkey bars at kakaiba siya lumambitin. Pati paa ay nakabitin kaya mukha talaga siyang unggoy. Baka mahulog siya at ako pa ang sisihin dahil mataas ang bars at ako pa ang nagbabantay.

“Ate, I want ice cream” turo niya sa matandang nagbebenta ng dirty ice cream.

Tumayo ako at bumili.

“Dalawa. Yung sugar cone” sabi ko at nagbayad ng bente.

Bumalik ako sa puno at umupo doon habang kumakain, Mio’s on the swing eating hers too.

“Madumi kaya yan” bumaling ang tingin ko sa kaliwa ko. When did he get here? Hindi ko man lang napansin na nandito siya.

“Duh, that’s why it’s called Dirty Ice cream” sabi ko at dinilaan ito ng bigla niyang hablutin.

“Masarap nga” dinilaan niya rin ito. Umiwas nalang ako ng tingin at naramdaman kong nahirapan nanaman akong huminga. Nasapo ko ang dibdib ko.

“What’s wrong?” tanong niya sa akin at dinikit ang likod ng kamay niya sa noo ko. kumunot ang noo ko dahil mas nahirapan akong huminga.

“Biglang sumikip yung dibdib ko” sambit ko at nahawakan ko ang mga damo. Nahatak ko ito sa sobrang sakit.

“Ha? Bakit? Lumaki yung boobs mo?” tinignan ko siya ng masama at hinampas siya sa ulo pero nakaiwas siya kaya sa braso lang yun.

“Stupid dumb brainless red hair” sambit ko at ngumiti na lang siya pero tinago niya ang ngiti niya sa ice cream.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon