DIL #13

282 7 0
                                    

13

Nagising akong wala na si red hair sa couch. At nakakalat ang kumot niya, nakasayad na sa sahig. Bumaba na ako at nakitang kumakain siya ng noodles. Dinaanan ko lang siya at kumuha ng bowl at linagay na lahat ng noodles.

Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

“Pagkain ko yan”

“Ikaw ang nagpresintang dito ako maulog, responsibilidad mong pakainin ako” inirapan niya lang ako at tumabi ako sa kanya, pero may harang na tatlong unan.

Linapag ko sa center table ang bowl ng maubos ko na ito, kasabay ng paglapag ko ang paglapag din niya.

“Eunice” tawag niya sa akin. kumunot ang noo ko at tinignan siya.

“Icy, hindi Eunice. Tss.”

“Fine, Icy.” Tumango ako at bored na bored na tumingin sa TV.

“Basahin mo nga to” inabot niya sa akin ang isang sulat. Tinignan ko sa baba, Love Patrice. Sabi ko na eh. he wants me to read it.

“Read it” umirap na lang ako at pumayag. Maikli lang ito, kaya okay lang.

“Dear babe,

Alam mo ba na love na love kita? Nge. Sorry. Di ko mapigilan sabihin na love kita eh. alam mo ba love na, yung mga nagkaka-crush sayo ay inaaway ko? kasi naman, pakiramdam ko ay inaagaw ka nila sa akin. de joke, Basta. Yung promise mo ha? Na ikakasal tayo, at magkakaroon ng anak na basketball team, tatry kong kayanin ha? Haha! Basta, I love you, always. Love Patrice”

Hindi ko nabasa ng maayos yung parteng haha, dahil hindi ko kayang tumawa. Binaba ko na ang sulat at tinignan siyang nakapikit. kunot ang noo nito.

“Patrice…” banggit nito sa pangalan ng yumaong girlfriend

“Hindi na siya babalik. Move on.Damn it” Minulat niya ang mata niya at hinablot ang papel sa kamay ko. tumayo siya at akmang aakyat sa hagadn nila.

“Oh ano? Magdadrama ka nanaman? Baka gusto mong masermonan nanaman kita?” tanong ko. nilingon niya ako.

“Eunice. Help me move on” malungkot na sabi niya.

“Oh tapos, hindi ka rin makikinig sa akin? para saan pa’t tutulungan kita? Gaguhan, ganun?” naglakad siya pabalik sa akin at nagsquat sa harap ko. hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko nanaman ang kuryente.

“Please. Help me. I’m stuck with her, baka siya nakapag move on na, ako hindi pa” sabi niya. bumuntong hininga ako at umirap.

“Paano?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

“Be my girlfriend. Iisipin kong ikaw si Patrice, dahil sa boses mo, at hihintayin kong magsawa ako sa kanya”

Tinanggal ko ang kamay niya

“WTF?! Akala ko ba kakalimutan mo? Eh bakit parang binabalik mo pa siya?”

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon