DIL #49- Matrimony

128 5 0
                                    

49


Sinamaan ko nalang siya ng tingin kaya bumitaw na siya sa akin. Akmang hahawakan nanaman sana niya yung kamay ko ng umatras ako. Napatango nalang siya.

"I can't just give you up. I love you Eunice" nagulat ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Tumigil ka na please. Wag kang ganyan. Nakakatakot" sabi ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. This isn't supposed to happen. Pero makulit siya at pilit na ibinabalik ang dati.

"Sorry" sabi niya at dahan dahang umalis. Nang magsara na yung elevator, napaupo nalang ako at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Parang ayoko na. Ayoko nang magpanggap. Ang sabi ng puso ko tama na, pero ang sabi ng isipan ko ay sige pa. Naguguluhan na ako. Maski sarili ko hindi ko nakilala.

Napahawak nalang ako sa noo ko ng biglang sumakit ang ulo ko.


--

Nagising akong nasa kwarto. Inikot ko ang paningin ko ng Makita ko si Jette na natutulog sa tabi ko. Umikot ako at humarap sa kanya. Napangiti nalang ako dahil sa inosenteng itsura niya na kabaligtaran ng ugali niya. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at tinapik tapik siya. Napansin yata niya at medyo gumalaw siya.

"Okay ka lang? May masakit ba sayo?" hysterical na tanong niya at biglang bumangon ng makitang gising na ako.

Umiling ako at hinawakan niya yung noo ko. "Anong nangyari? Nakita nalang kitang walang malay sa tapat ng unit." Hinawakan ko nalang yung kamay niya at ibinaba yun. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at ngumiti.

"May sasabihin ako."

Nakapagdesisyon na ako. Sasabihin ko kay Jette ang lahat, ang pagpapanggap ko.

"Ano yun?" umayos siya ng upo at hinila ako palapit sakanya. Pinagsalikop ko ang mga kamay naming at hinigpitan. Alam kong nararamdaman niyang nanginginig ako at nanghihina. Hindi ko na napigilan at tumulo ang luha ko.

"Si Spade... nagkita kami kahapon, sa mall." Tumango lang siya at nakinig. "Si Spade. Siya ang--"

"Tunay na boyfriend mo. Hindi ako. Naaalala mo na ba lahat?" nanlaki ang mata ko ng pangunahan niya ako. Hindi na ako nakapagsalita.

"Siguro naaalala mo na ang lahat, Eunice. Sorry, hindi naman kita pinipilit, pero please. Dito ka lang sa tabi ko. Wag mo akong iiwan. Siguro naaalala mo na ang lahat ng nangyari sa inyo, siguro naaalala mo na kung paano niyo mahalin ang isa't isa. At siguro naaalala mo kung paano ka niya niloko. Hindi naman kita pinipilit, but please stay with me. Iwan mo na siya. Kalimutan mo na siya." Pagmamakaawa niya.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

"I won't leave you, Jette." Hindi dapat ganto mangyari ang lahat. Dapat aamin akong nagpapanggap lang ako, pero mukhang mas gumulo ang lahat. Ang alam niya ang naaalala ko na ang lahat. Pero hayaan mo na, at least nabawasan ang dapat kong alalahanin.

Kinwento ko kay Jette ang lahat. Inintindi nalang niya ako. Kinain naming yung smores na dala ko, pero hindi ko nalang sinabi na gawa ni Spade yun. Ayokong saktan si Jette, mas okay nang ako ang masaktan kesa siya. Nung naubos ay kinain din naming yung ginawa ni Jette na mango pie.


"San tayo?" tanong niya

"Sa unit ko" tumawa nalang siya kahit korny ako magjoke. Kinalimutan ko nalang muna yung tungkol kay Spade, mas lalo lang akong nasasaktan tuwing iniisip ko yun.

"Shunga. I mean, may gusto ka bang puntahan?" tinignan ko nalang siya. Tutal holy week naman, may pupuntahan kami.


Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon