DIL #22

252 4 0
                                    

22

Naihatid ko na si Mio. It’s 4 pm. Pupunta na ako sa condo para imeet ang banda at sasamahan nila akong magpacheck up.  Kakapark ko lang ng motor ko at marahas na tinanggal ang helmet ko. kumunot ang noo ko ng makita ang motor na nagpark sa tabi ko.

“Hi” tinanggal niya ang helmet niya at ngumiti sa akin.

“Umuwi ka na. there’s no point in following me” sabi ko at bumaba na ng motor ko.

“Sama ako” pinandilatan ko siya ng mata. Sasama? Eh magpapacheck up nga ako eh. tsaka, ayoko siyang kasama. Ew.

“Ayoko. Tsaka kasama ko ang banda. Go home” seryoso kong sinabi at ngumiti siya sa akin.

“Ok. Sunduin kita ng 8?” tanong niya at umiling ako.

“Sasabay ako kela Pats” I told him at sumimangot siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

“Are you avoiding me? Is it because I kissed you?” tanong niya at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. there’s really that electricity flowing every time he holds me. Tsaka, ang init ng kamay niya, nakakapaso.

“No. Busy lang talaga ako” sabi ko

“Busy with your flings?” umiwas ako ng tingin. Ang tagal ko ng walang fling. 2 weeks na rin. Hindi naman ganto dati.

Kapag nakipaghiwalay ako sa isang fling ko, wala pang isang araw, may bago agad. Ngayon, bago to. Nakaya kong 2 weeks na walang boyfriend.

“No. may pupuntahan lang kami” sabi ko at Tumango siya pero nakasimangot parin.

“Sige. Kita nalang tayo mamaya” Aniya at ngumiti na ng malapad. Ang weird niya lang. nakakatakot.

“Whatever” sabi ko at tumalikod na pero hinawakan niya ang braso ko. kuryente.

“Ano nanaman?” tanong ko dahil malelate na ako.

“Pwedeng..uhm..pakiss? isa lang?” tanong niya at agad akong umiling. Kiss? Ew. No way.

“Yucks ka ha”

“Ito naman. isa lang?”

“Ano bang meron sa kiss na yun?” tanong ko at kumunot na ang noo ko. nagsimulang uminit ang dugo ko.

“Eto.” He pulled me for a kiss. 1…2…3…4…5…Exactly 5 seconds. Bumitaw siya at nakangiti siya sa akin.

“Pakshet. Kinikilig ako” sabi niya at kumunot ang noo ko. umiwas ako ng tingin dahil bigla akong nainitan at nahirapang huminga. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nakakairita yun.

“Alis na nga! Kung ayaw mong maospital ng dalawang buwan!” sigaw ko at umangkas na siya sa motor niya. madali niyang sinuot ang helme niya at humrurot paalis.

Ng makaalis siya ay napahawak ako sa labi ko. napangiti ako ng bahagya. Stupid. Nakakainis. Ano bang nangyayari sa akin?

DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon