DIL #5

347 11 0
                                    

5

Dalawang lingo na ang lumipas at lagi kaming kumakanta doon. Except for Saturdays, of course. May dalawa din akong nakarelationship na nameet ko doon sa club, well, anong magagawa ko? Niligawan nila ako eh, edi sinagot ko. and Carlo is always ranting about this.

“Eunice” tinignan ko si Carlo. Kapag sinasabi na kasi niya ng buo ang pangalan ko, means he’s serious.

“What?” iritadong tanong ko

“Bakit mo ba kasi sila sinagot? At sabay pa talaga sila?”

“Eh, sabay sila nanligaw eh. hindi naman nila malalaman”

“Ang point ko, hindi mo naman sila mahal. Why answer them?”

“Kasi nanligaw sila.”

“Mahal mo ba?”

“Nope”

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang sentido niya. tinignan niya ako ng seryoso at hindi na siya makapagsalita. I guess he’s lost for words.

“Look. Hindi ko naman sila mahal. But I’m trying to love them, pero wala eh. tsaka, why would I need a relationship? I have everything. I have lots of money, and I have a house. I can live with that without having a man. Kung magkakasakit ako, there’s also a hospital that can take care of me. I can handle life, you know. Kaya ko lang sila sinasagot, ay dahil binibigyan ko sila ng chance. Gusto nila eh, edi iparanas ko.” mahabang eksplanasyon ko. sa buong buhay ko, yan na ata ang pinaka mahabang sinabi ko. oo, yan na nga ata.

“But…Okay fine. Whatever. Reality strikes you again”

“It’s because I live in the reality, not in fantasies.”

“One day, kakainin mo lahat ng sinabi mo. I’m telling you”

“Kakainin? Wow, what a term”

Feeling ko hindi na maganda ang patutunguhan nito. Kaya itinigil ko na ito at naligo na.

Sinundo kami nila Kiko dito, hindi ko na dinala ang motor ko. nagperform ulit kami, ng matapos ay agad lumabas si Carlo at pumara ng taxi. Uuwi na siguro siya.

“Huy. Nag-away kayo?” tanong ni Kiko pagkaupo namin sa table.

“Who?” sabat nung Jette

“Ah. Icy and Carlo” Sabi ni Bonnie

“Hindi. Misunderstanding lang siguro” sabi ko at uminom. Tulala ako habang umiinom, parang tumahimik nga ang paligid eh, at sarili ko lang ang gumagalaw.

Hindi ito ang unang beses na nag-away kami ni Carlo. In fact, this is the hundredth time, or maybe even the thousandth.

Yans, boys and flings. Ang rason ng pag-aaway namin palagi.

“Icy, I think.. Carlo is right. Nagpapaasa ka na eh” tinignan ko si Kiko at tinaasan ang kilay. How the heck did he know? Tinaas niya ang phone niya at hinarap sa akin ang screen. Magkatext sila ni Carlo. Tss.

“Okay, fine. Paasa na ako sa mata ninyo.” Sabi ko at tinawag si Charles. Yung isang sinagot ko last week, he was sitting in a nearby table with his friends. Agad siyang nakalapit sa akin ng tawagin ko siya.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon