DIL #57- Agreement

101 4 0
                                    

57


Narinig niya akong humikbi. Nakapikit ako ngayon, nararamdaman ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang hikbi ko, maski ang taksil kong luha. Naramdaman kong may umupo sa kama lalo akong napakapit sa unan.

Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko, at pinunasan ang mga luha ko.


"Why are you crying?" tanong niya. Kahit nakapikit ako, alam kong alam niya na gising ako. Tahimik lang ako. Hikbi ko lang ang tanging naririnig ko.

"Eunice. Why?" mahinahon at nanlalambing ang boses niya, pero hindi ang sinabi niya. Napakagat ako sa labi ko. Patuloy lang niyang pinupunasan ang mga luha ko. Hanggang sa medyo tumigil na ako sa kaiiyak pero humihikbi parin ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita si Spade.


Naka-indian sit siya sa kama at nakasandal sa plywood. Tulog na rin siya. Habang tinitignan ko siya ay lalong sumasakit yung dibdib ko.

Pinunasan ko yung luhang kumawala sa mga mata ko.

"I want to forgive you, Spade. I just don't know how." Dahan dahan ko siyang nilipat at pinahiga dito sa kama ko. Hindi ko na rin siya kinumutan dahil mainit. Umupo nalang ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang natutulog.


__

Nagising ako at inilibot ko yung paningin ko. Wala na si Spade dito sa kama at ako na yung nakahiga dito. Nakakumot na rin ako. Tinanggal ko yung kumot at sinilip yung kabilang kama. Wala siya doon, at nakatupi yung kumot niya. Lumabas na ako at walang tao dito sa maliit na salas.

Nagsimula na akong kabahan. Hindi kaya iniwan niya ako? Lumingon ako doon sa kwarto. Nakita ko naman yung bag niya kaya okay lang. Pumunta ako dito sa likod at may maliit na kusina, may maliit na stove doon at maliit din na ref.

Lumabas ako at tingin ko ay kusina parin ito dahil may de-uling na lutuan. May nakita rin akong maliit na kubo. Umupo ako sa lamesa at nilanghap muna ang hangin.

Nagulat ako nung bumukas yung maliit na kubo at lumabas si Spade mula doon. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatapis lang siya at basing basa siya. Mukhang yun yung banyo.


"Oh. Andito ka na. Nagugutom ka ba?" hindi ko siya tinignan. Yumuko nalang ako at pinaglaruan yung kuko ko.

"Oo." Sagot ko. Naramdaman ko siyang lumapit at naamoy ko siya. Ang bango niya.

"Sige. Saglit. Magbibihis lang ako." Sabi niya at pumasok na.


Nainggit ako sakanya kasi nakaligo na siya. Gusto ko na ding maligo dahil ang lagkit ko na at pawis na pawis pa yung likod ko. Saglit lang ay lumabas na rin siya. Nakasando lang siya at shorts.


"Maliligo din ako." Sabi ko.

"Saglit. Mag-iigib lang ako" nagtaka ako sa sinabi niya. Sinundan ko siya at may nakita akong weird looking thing na nakasemento. Tinapat ni Spade yung isang timba dun sa kabilang dulo at hinawakan niya naman yug isang dulo. He pumped it up and down. Nanlaki ang mata ko ng may lumabas na tubig dun sa isang dulo.

Nang mapuno ito ay yung isang timba naman. Hindi talaga ako makapaniwala. Tumingin si Spade sa akin nung natapos na siya.


"Galing no? Magic" ngumiti siya at binuhat na yung timba papunta doon sa maliit na kubo. Nilagay niya ito sa loob.

"Maligo ka na. pinagpapawisan ka na oh." Sabi niya. Tumango nalang ako at bumalik sa loob para kumuha ng damit.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon