Pagtatapos

212 6 1
                                    

Years passed. Maraming nangyari, pero hindi kami nagbago. Ganun parin. Same old feelings. I still never get used to it everytime he kisses me. Pakiramdam ko kasi ay nababaliw ako everytime. But still, we were together.

Ikinasal kami, masaya. It was the best day of my life, and even the best night of my life. I suppose every wedded couple felt like that right? But I don't want to remember the best night of my life. Hindi naman sa ikinakahiya ko, but it's really super SPG. Wild, actually.

Natatawa nalang ako kapag iniisip ko 'yon. At nahihiya ako kay Spade tuwing ipinapaalala niya 'yon. He just loves to tease me, I guess. But I know that scene always replayed in his mind. He's really a pervert, pero okay lang. Basta ako yung iniisip niya, at hindi ang iba.


"Okay! Bukas na ulit. Good work everyone!" nakangiting bati nung manager namin. Ngumiti nalang kaming banda at saka umalis sa studio. We did a recording, pero hindi pa masyadong maayos since maraming pang binabago sa song.

The song was our twenty fifth song na ilalabas. Masaya ako, kasi nagkaroon na rin kami ng album. At masaya ako, kasi si Mark lahat ang nagcompose nun. Yes, he did a good job. Sikat na siya ngayon, hindi nga lang bilang singer kundi bilang isang composer.

I don't know why he rejected the offer. But instead he wanted to be a composer, so pinagbigyan namin siya. Besides, he's really talented.


Nagpaalam na ako sa banda. Marami pa silang pupuntahan at nagpass ako. Okay lang naman sabi ni Manager, since ngayon lang ako hindi aattend ng presscon. Kaya na nila yun. May excuse naman ako.

Umuwi muna ako para ibaba yung mga gamit ko, at para magbihis. Masyadong makapal yung make up na nilagay nila sa mukha ko. We did some photoshoots too, just before the recording. Inis kong kong pinunasan ang mata ko pero mas lalo lang itong nagkakalat.

Umirap nalang ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. I just took a quick bath. Nagbihis lang ako ng simple, at nagsuot ng shades. Matapos kong suklayin ang mahaba ko ulit na buhok at nagsuot ako ng cap. I smiled when I saw my reflection.

This is very comfortable, at walang nakakakilala sa akin.


Nagdrive na muna ako papunta sa McDo. I know he's hungry when they'll get home. Nagdrive thru nalang ako with three happy meals. Hindi mawawala doon ang laruang kasama, iyong minions. Siguradong matutuwa yun kapag nakita niya to.

Nagdrive ako papuntang airport but I got stuck in traffic. Good thing, after 1 hour pa ang lapag nila. I just don't want to be late. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Traffic pa naman, so I checked my phone.


Nagchat sa akin si Jette. Napangiti ako ng magsend siya sa akin ng isang picture, at nasundan pa 'yon ng limang pictures. Napangiti ako. He's finally happy. Ikakasal na kasi siya, at yung sinend niyang picture ay yung pre-nup nila ng magiging asawa niya.

She's actually pretty. Hindi kami ganun ka-close since hindi naman sila dito sa Pilipinas nagkita. Medyo nakakatampo lang kay Jette dahil kami ni Spade ay pupunta ng kasal niya, pero siya hindi pumunta sa kasal namin.


We asked Jette why he didn't come. Ang sagot niya lang sa amin ay, "Nabibitter ako eh. Baka bigla akong tumutol." That's exactly what he said. Hinayaan nalang namin siya.


1 year and three months after Spade proposed, we got married. Medyo matagal, since marami pang nangyari. There was also this time na nag-away kami to the point that I almost gave up on him again. Eh siya kasi, hindi siya umuwi. I waited for him that night pero ni text o tawag wala. Nagising akong wala pa rin siya. Doon na nagsimula yung inis ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon