DIL #43- Pain over Love

138 4 1
                                    

43

"Palagi ka nalang umaalis. Di mo ata ako mahal eh." nagulat ako sa sinabi ko.


Alam kong nagulat rin si Jette, pero agad din siyang nakabawi at nginitian ako ng malapad. Basta nalang lumabas sa bibig ko yon. Siguro medyo nasasanay na rin kasi ako, na si Jette na. He'll be the one for me, soon.

"Para sa future natin to, babe."

Sumimangot ako. "Future nga diba, matagal pa yun. Sige na kasi... Punta tayong SM tapos laro tayo sa Timezone"

"Tatawagan ko nalang si Kiko, Carlo, Pats o kaya si Bonnie. Sa kanila ka nalang magpasama"

"Eh ikaw ang gusto kong kasama eh. Magagawa mo?"

Ginulo niya yung buhok ko. Inakbayan niya ako pero tinulak ko siya palayo. Ngumiti nanaman siya, nagulat ako ng bigla niyang sinabunutan ang sarili niya at nakangiti ito ng napakalapad.

"Icy, nababaliw na talaga ako. Ano bang ginawa mo sakin?" inirapan ko nalang siya. ang drama kasi niya.

"Sige na, magsusupervise ka lang naman. Wag ka nalang pumunta. Samahan mo nalang ako sa Timezone" pamimilit ko, at change topic narin. I feel kinda weird when feelings get involved.

"Sige na nga. Pasalamat ka, mahal kita"

Umalis muna siya at doon siya sa kabilang banyo ng kwarto naligo. Naligo na rin ako, habang nasa loob ng banyo ay pintaong ko ang phone ko sa sink. Naghahanap ako ng music ng biglang magtext si Spade.

From: Spade

Psst. Meet tayo? Please. Please, I wanna see you. <3

Bigla akong nakaramdam ng init na umakyat papunta sa mukha ko. Kakaiba kasi siya magtext, tulad nalang nung isang gabi. May 'Goodnight' na nga, may heart pa, hindi pa nakuntento, may kiss smiley pa. Huminga ako ng malalim at kumalma muna.

To: Spade

Weird mo. Tigilan mo ako sa mga heart signs

Hindi ko naiwasang mapakagat sa kuko ko sa kaba. Habang tumatagal, parang gusto ko ng umangal at bawiin lahat ng ginagawa kong pagpapanggap. Parang gusto ko ng umatras, pero tuwing naaalala ko ang panloloko niya sa akin. mas ginaganahan ako.

Lalaban naman ako ng patas eh. tatlong buwan niya akong niloko, pwes, tatlong buwan ko rin siyang lolokohin. I just hope things would turn out the way I wanted it to be. Tatlong buwan lang, promise.

From: Spade

Sorry. Para ka kasing yung girlfriend ko

To: Spade

Girlfriend?

From: Spade

Yes. She's a lot like you. And also, I love her.

Binaba ko na ang phone ko bago ko pa ito maihulog sa lababo o toilet sa sobrang nginig ng kamay ko. Huminga ako ng malalim at napatingin sa salamin. Bakit? Bakit parang ako ang nahihirapan? Dapat siya eh, kasi pinapahirapan ko siya.

Before I took the bath, I got my phone and typed a reply.

To: Spade

Pero diba sabi mo iniwan ka? Maybe you've done something so bad, so bad that made her leave you, idiot.

Matapos kong maligo ay panay ang tingin ko sa phone ko. Wala siyang reply.

Habang namamasyal kami ni Jette ay parang nawalan ako ng gana bigla. Parang kanina lang, gusto kong lumabas. What happened now? It's really weird for me to have this sudden change of mood. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa text, or dahil... I don't know. I just can't find a reason inside me why am I acting like this.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon