DIL #53- Porto Sani Village

102 4 0
                                    

53


Nag-grocery kami kahapon ng mga kakainin ko sa byahe, ako lang naman ang kakain since ako lang naman ang matakaw at gutumin sa aming dalawa. Ngayon naman ay nag-aayos na kami ng mga damit nadadalhin namin. Chinarge na namin lahat ng gadgets like cameras, phones, laptops and tablets. Kailangan namin lahat yan. Isa-isa ko nang nilalagay ang mga damit namin na pang 2 weeks sa maleta.

Hindi alam ng banda to, tatawagan ko nalang sila kapag nasa airport na kami kasi baka bigla silang sumama kapag ngayon ko sasabihin. Nagdala ako ng maraming dress and shorts. Mainit kasi. Nung nakaayos na ako ay saktong dumating si Jette. Galing siya sa mall.


"Ano yan?" tanong ko sa kanya. May dala siyang camera na kakaiba.

"Kinuha ko to sa bahay. Kay mama to pero sakin na daw. Tapos pinapasabi ni mama na mag-ingat daw tayo at magpray sa byahe" tumango nalang ako at kinuha ang camera sakanya.

Ito pala yung camerang kapag nagpicture ka, automatic na may lalabas na picture na nadevelop na. Ang cool naman.


Hinila ko si Jette at tinaas ang camera. Nagsmile ako at mabilis na nagpicture. Pinaypay ko yung lumabas na pic hanggang sa lumabas na yung color niya. Nakasmile ako at si Jette naman ay nakatingin sa akin na nakangiti rin. Napangiti nalang ako.

"Akin na to ha?" sabi ko at tumango lang siya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa bag ko at kinuha yung wallet ko. Binuksan ko yung wallet ko at picture ni Spade ang unang tumambad sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ang nakangiting mukha ni Spade. Kinakabahan lang siguro ako. Nawala ang ngiti ko at umiling nalang ako, nilagay ang picture namin ni Jette sa harap ng picture ni Spade.

"Oh? Nakasimangot ka nanaman?" tanong ni Jette pagkapasok niya ng kwarto. Agad kong sinara ang wallet ko at binalik ito sa bag.

"Nagugutom kasi ako" panakip butas kong sagot. Tumawa nalang siya at ginulo yung buhok ko.

Pumunta siya sa kusina at bumalik din. "Oh. Kulit" nakangiting abot niya sa akin ng isang chessebar.


Tumabi nalang ako sa kanya sa kama habang kumakain. Nanonood siya ng basketball at bigla kong naalala yung nanonood din si Spade ng basketball. Umiling nalang ako ng bigla kong maalala yun. Hindi ko rin alam kung bakit naalala ko yung mga yun. Siguro dahil nakita ko yung picture niya kanina. Tulad nga kasi ng sabi nila, out of sight, out of mind.

"Jette, naniniwala ka ba sa 'out of sight, out of mind'?" tanong ko habang ngumunguya nguya pa. tumingin siya saglit sa akin.

"No baby" sabi niya at hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. May naramdaman akong kakaiba ng tawagin niya akong baby, kahit na hindi naman ito ang unang beses ng pagtawag niya sakin nun.

"Why?"

"Kasi kung totoo yan, edi parang sinabi mo na rin na kapag hindi tayo nagkita ng isang buwan, hindi na kita mahal. Hindi ganun yun. Kahit ilang taon pa tayong hindi magkita o magkasama, kung ikaw ang mahal ko, ikaw lang talaga."


Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya. Pero kasi, kelan pa ako natutong kiligin? Nakakahiya na talaga. Ang daming nangyayari sa akin na high schoolers lang dapat ang makaranas.

"Bakit mo naman natanong?" bumaling ang atensyon niya sa akin at pinatay ang TV.

"Wala, narinig ko lang sa kanta kanina" pagrarason ko. Tumango nalang siya. Pumikit nalang siya at niyakap na ako ng tuluyan ang umikot ikot kami dito sa kama.

"Jette! NO!" Tumawa tawa ako ng bigla niya rin akong kilitiin. Sa hindi malamang dahilan ay nasuntok ko siya sa balikat at napalakas yata yun. Kinuha niya yung dalawang kamay ko at inilgay sa ibabaw ng ulo ko. Pumaibabaw naman siya and pinned my legs with his legs.


"Damn, you're really turning me on" sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't you dare say that thing" sabi ko. Ngumisi siya at yumuko kaya mas nagkalapit ang mga mukha namin.

"Gawa na kasi tayo baby. Naeexcite na mama mo diba? Mama ko rin excited na eh." Nakapout niyang sabi.

"No. Maaga pa. Let them be excited. Ganyan talaga"


Bumitaw na siya at umayos na kami ng upo. Medyo na-awkward ako kasi tumaas yung shirt niya at medyo nakita ko yung katawan niya. Oh my god. Kelan pa ako natutong magnasa ng katawan ng iba bukod kay—uh. Ehem. 

Natulog kami at nagprepare na na pagkagising. Medyo nadelay ang flight namin due to some reasons pero safe naman kami pagkarating. Nakarating na kami dito sa sinasabi niyang beach resort. Buti nalang at may employee na nagdala na ng mga gamit namin sa room namin.


Picture, lakad. Picture, lakad. Paulit-ulit. Parang halos buong resort na ay napicturan ko na. Pumunta kami dun sa dagat at white sand siya. Ang ganda dito at parang gusto kong gumulong gulong sa buhangin, pero nakakahiya. Mamaya nalang siguro pag nakabihis na ako.

Habang sinisipa ko yung buhangin ay kinuha ni Jette yung camera mula sa akin at pinicturan ako. Ngumiti naman ako dahil sobrang saya ko. Ang saya pala ng feeling na pumunta ng ibang bansa na hindi magulang ang kasama. Ang saya pala ng pakiramdam na free ka na, yung hindi mo na kailangan ng guardian. Pero sayang, gusto ko rin sana ipunta sina ate dito. Next time nalang siguro.

"Tara?" tanong niya at tumango na ako. Naunang naglakad si Jette pabalik habang ako ay pinaglalaruan pa ang buhangin sa paa ko. Napatingin ako sa dagat at konti lang ang tao, medyo private kasi ito kaya konti lang yung tao.


Habang maraming naglalaro at nag-eenjoy ay may isang lalaking nakaupo na nakatalikod. Kinutuban ako dahil parang kilala ko ang taong may body built na ganun. Parang kilala ko kung sino siya, pero imposibleng nandito siya dahil kasasabi lang namin sa banda at family namin na aalis kami nung nasa airport na.

At isa pa, mahirap umasa na sinundan niya nga ako dito. Aasa lang ako, at masasaktan. Tsaka isa pa, kaya nga ako nagmomove on eh, para kalimutan na siya.

"Eunice! C'mon! Tagal mo baby" sigaw ni Jette at napatingin ako sakanya.

"Oo wait. May kinuha lang akong shell" sabi ko at pinulot yung magandang bluish white shell na nasa paanan ko. Tumakbo ako palapit kay Jette at inakbayan niya ako habang naglalakad pabalik. Napalingon ako saglit dun sa lalaking nasa dagat, hindi. Imposible. Imposibleng siya yun.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon