DIL #3

462 13 4
                                    

3

“Gising na!!” minulat ko ang mata ko ng makita sila Carlo, Pats, Kiko at Bonnie na biglang tumalon  sa kama ko.

“OO NA! PSH. LABAS!” sigaw ko pero hindi sila lumabas. Napansin kong nakabihis na sila. Psh. Nahagip ng mata ko ang bintana at nakita kong magsusunset na.

“Ligo na! O papaliguan pa kita?” taas ang isang kilay ni Carlo.

“Hoo! Dude! Level up na ba?” tanong nila. Umiling lang si Carlo at sumimangot sila. What? What do they expect? Tss.

“OO NA TATAYO NA!” sigaw ko at kinuha ang towel ko. dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ay nagulat ako ng makita sila na nakahilata sa kama ko at nanonood. May TV kasi ako dito sa kwarto ko.

Muntik ko ng mabitawan ang twalya ko. nakatapis lang kasi ako. lumingon silang apat sa akin at nanlaki ang mga mata nila.

“wew. Ang hot mo pala pag wet look” sabi ni Kiko. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaas ko ang kamao ko.

“Gusto mong sampol?!” umiling lang siya at tumawa. Binaling na nila ang tingin nila sa TV pero si Carlo ay nanatiling nakatingin sa akin. Oh wait, sa katawan ko pala. Tss.

“HOY! Baka ikaw, gusto mong masampolan kita?!” tanong ko at itinaas ulit ang kamao ko. nakita kong namula siya at binaling ang tingin sa TV.

“Yihee! Namumula si Carlo. Virgin na virgin eh” panunudyo ni Kiko at Bonnie sa kanya.

“Manahimik nga kayo! Saksak ko yang remote sa bibig niyo eh!” tumawa lang ang dalawa habang si Pats ay nakapikit na. tss, nakatulog habang nakaupo? Ibang klase. Bakit ba parang laging puyat to?

“Icy! Tignan mo si Carlo oh! May pagnanasa sayo!” tudyo pa nila. Tinignan ko siya at pulang pula nga ang mukha niya. nakakunot din ang noo nito.

Tss.

“LABAS NGA! MAGBIBIHIS AKO!” sigaw ko. nagsitakbuhan sila sa labas ng ibato ko sakanila ang tsinelas ko.

Nagbihis na ako at lumabas na. Naabutan ko sila na kinakalkal ang ref ko, maliban kay Pats na tulog nanaman sa sofa. Hinayaan ko nalang sila ng lumantak ng pagkain dun. Magpapabili na lang ulit ako kay Carlo. Haha!

“Ano? Tara na?” aya ko. tinignan ako ng taimtim ni Carlo at lumapit sa akin. Pinaupo niya muna ako sa sofa.

“With you looking like this? no” sabi niya. kinuha niya ang suklay na nasa shelf lang. hindi kasi ako nagsusuklay, kahit kaliligo ko lang. di uso sakin yun. Tss. Tsaka nakamotor naman ako palagi, pagkatanggal ko ng helmet ay maayos na ang buhok ko kaya no need na sa suklay.

Sinuklayan ako ni Carlo at ang dalawang playboy ay nanonood sa amin. Yeah, si Kiko at Bonnie. Playboy din si Bonnie, pero di ganon kalala tulad ni Kiko. Kung si Bonnie ay timer lang, si Kiko ay sex ang habol. Oo, ganun siya.

Pero si Bonnie? Di na rin yan virgin, pero once lang niya nagawa yun. Yun yung nalasing kami nung college days. Ayun, pinikot ng isang babae. Haha! Buti nga.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon