DIL #12

294 7 0
                                    

12

Mula nung lunchdate namin ni Jette  ay laging kong nakikita si red hair na kung saan saan sumusulpot. Tulad ngayon, andito ako sa playground, nakaupo sa ilalim ng puno. Siya? Ayun, tanaw na tanaw kong nakaupo sa swing. Nakatingin sa mga bata.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at pumikit. Ang sakit ng ulo ko, at inaantok pa ako, kaya matutulog muna ako saglit. Kinuha ko ang phone ko para mag-alarm. Inalarm ko ito na after 1 hour ay magigising na ako.

Nakaramdam ako ng sakit at ngalay sa katawan. Umikot ako ng higa pero naalala ko palang nakatulog ako sa ilalim ng puno. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakitang nakaunan ako sa isang bag, at nakakumot sa akin ang isang jacket na kitang kita ang malaking check nito sa bandang likuran at nakasulat ang katagang ‘Just do it’

Inikot ko ang paningin ko dahil alam kong isang tao lang ang may gawa nito. Naalala kong ito ang suot niya kanina. Ngunit wala na siya sa inuupuan niya kanina. Wala na ring mga bata at madilim dilim na. kinuha ko ang phone ko na nasa ulunan ko lang at nakitang lagpas dalawang oras na pala akong tulog.

“Shit..” mura ko. kasi, sa isang oras, gig na namin. Agad akong napatayo at nabitawan ko ang phone ko.

“Aray naman!” nagulantang ako ng makitang nahulog ito sa mukha ng isang lalaki. Natutulog din ito sa tabi ko pero hindi ko siya napansin dahil may harang na kahoy sa gitna namin.

“Red hair? Bakit? Natulog ka rin?” sinamaan niya ako ng tingin at inabot niya sa akin ang phone ko, habang hinihimas niya ang ilong niya.

“Malamang. Tingin mo anong gagawin ko diyan? Iihi?” napairap na lang ako dahil ang sungit sungit na, nakakainis pa. tch.

“Script” sabi nito. Napairap na lang ako at sinabi ito.

“I’m breaking up with you. I don’t love you. I never loved you” pumikit siya at saktong umihip ng malakas ang hangin. Natakot tuloy ako dahil iniisip ko na baka andito ang kaluluwa ni Patrice.

Nang imulat niya ang mata niya ay Tumango ito.

Kinuha ko ang bag at jacket, inabot ko ito sakanya pero ang bag lang ang kinuha niya at sinuot ito. Kinuha niya sa kamay ko ang jacket at ipinatong ito sa balikat ko.

“Makulimlim. Magjacket ka” Aniya. Tinignan ko siya pero nakashirt lang ito at halatang manipis pa ito.

“Ikaw na lang. manipis damit mo oh” sabi ko at akmang tatanggalin ito ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan.

Pucha. Bakit may kuryente nanaman?! Inirapan ko nalang siya at sinuot ang jacket niya.

“K fine. Akin na” sabi ko. sumabay siya sa akin sa paglalakad.

“Sumabay ka na. nagcommute ka lang diba?” oo nga pala, nagtaxi lang ako papunta rito.

Kaya no choice, sumabay ako sa kanya.

“San yung Audi mong pogi?” tanong ko. inirapan niya lang ako.

“Motor gamit ko” hindi ko nalang siya pinansin at sumakay na siya. Umangkas na lang ako sa likod niya at kumapit sa hawakan sa likod ko. duh. Ayokong ngang kumapit sa kanya. makuryente pa ako.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon