DIL #11

320 8 0
                                    

Sa External Link po, New story ko. May trailer din yan. Basahin niyo na! :)

__________________________________

11

Maaga akong pumunta dito sa bar. 1 hour before our gig. Umupo muna ako dito sa counter, sa may malayo sa kanila at sa hindi nila nakikita. Pero nakikita ko sila, nagtatawanan sila at hawak nanman ni Carlo ang phone niya. nararamdaman kong nagvivibrate ang phone ko pero hindi ko ito pinapansin.

Nahagip ng tingin ko si red hair na hawak din ang phone niya, may tinatawagan din siya at mukhang hindi siya sinasagot dahil nakita kong pipindot ulit siya at itatapat sa tenga niya. paulit ulit. Tss.

“Bacardi” sabi ko sa bartender. Binigyan niya ako ng isang glass.

“Kakanta kayo ngayon ma’am?” tanong nito sa akin. nagshashake siya ng mga alak ngayon, or whatever they call it.

“Yeah. Kilala mo ako?” tanong ko

“Opo. Sikat na sikat po kaya kayo.” Tumango na lang ako dahil expected ko na ito.

Mga 5 minutes before the gig ay saka na ko na napagdesisyunan na pumunta sa table. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng nila, maliban kay red hair. Tch. Pake ko naman kung hindi siya mag-alala.

“Tara na. akala ko hindi ka na pupunta” sabi ni Kiko. Nilingon ko si Jette na nakangiti sa akin. tinaas niya ang kamay niya at nagthumbs up.

“Break a leg, Icy!” sigaw nito

“I don’t break legs, I break hearts” sabi ko saka kami umakyat sa stage. Salamat naman at party songs na. suyang suya na ako sa emo songs na yan. Bakit? Ano bang nakakaiyak diyan? Eh kanta lang yan diba. Psh.

Pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa table namin. Tinanggal ko ang jacket ko inilagay lang ito sa likod ko. uminom muna ako ng iced tea, nasanay na ata sila at ito na ang palagi nalang inoorder para sa akin.

May dumating na lalaki, nagtungo ito sa table namin at nilapag ang isang bouquet.

“Para pa sayo miss Icy” sabi niya

“Tss. Kanino galing?” tanong ko

“Secret daw po” umirap ako at tinignan siya sa mata.

“Pakisabi, bakit bulaklak? Eh malalanta lang yan” Tumango siya at umalis na. kinuha ko yun at may nakita akong maliit na papel dito. Kinuha ko ito at binasa.

I think I like you, kahit ang cold cold mo.

Yun ang nakasulat. Narinig ko ang mga tukso nila sa akin. tumikhim si Jette at tinignan ang bulaklak. Tumayo si red hair at lumipat ng upuan, sa tabi ko siya umupo.

Kumunot ang noo ni Jette, kaya nagtaka na ako.

Tinignan ko si red hair ng humilig siya sa akin.

“I’d give you a garden, rather than just a bouquet of flowers” bulong niya. Anong pinagsasabi nito? Garden garden, tch. Daming alam, kung ano ano, hindi ko naman naiintindihan sinasabi nito.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon