DIL #10

325 6 0
                                    

10

“Icy, can we talk?” tanong ni Carlo. Tumango lang ako habang abala sa pag-iinternet.

“I mean, you know. Tayong dalawa lang” sabi niya. sinara ko na lang ang laptop ko at hinarap siya. Abala din sina Kiko at Bonnie sa laptop nila, habang si Pats ay tulog sa kama ko. andito nanaman sila sa condo ko at nanggugulo.

“Okay” sabi ko at tumayo na. sinilip ko muna ang ginagawa nila Kiko bago kami lumabas.

“EW KIKO! WHAT THE HELL ARE YOU WATCHING?!” bored na bored silang tumingin sa amin. Inabot ni Bonnie ang volume sa speaker at nilakasan pa ito lalo.

“Pasama nga!” biglang nagising si Pats at itinulak ako.

“Nakakadiri kayo!” sigaw ko.

Ngunit nilakasan pa nila ang speaker kaya rinig na rinig ang ungol ng babaeng nasa pinapanood nila. What the hell? Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita si Carlo na umiinom ng tubog sa kusina.

“Ano yon?” tanong nito saka pinunasan ang labi niyang basa. Tss.

“They’re watching porn” lumaki ang mata niya at tumawa.

Mabilis siyang nakalapit sa akin at inakbayan ako palabas.

“Men, really” sabi niya pagkalabas namin. Lumabas kami sa building at nilakad papunta sa playground na malapit dito.

Umupo ako kami sa swing. Mahina kong iginalaw ang akin.

“Ano yon?” tanong ko. tanaw na tanaw ko pa ang napakalaking building sa harap namin.

“Ano kasi eh..ang hirap sabihin pucha!” rinig kong bulong niya. tumagilid ang ulo ko at saka siya tinignan.

“Alin? Ang tagal naman. nagugutom na ako eh” sabi ko. narinig kong kumalam nanaman ang sikmura ko pero hinayaan ko lang ito.

“Icy. Matagal ko na dapat tong sasabihin eh. kaso…natorpe ako.” bumuntong hininga siya at yumuko.

Yumuko rin ako at sumipa sipa sa mga damo, bahagyang gumalaw naman ang swing na inuupuan ko.

“Icy, mahal kita. Noon pa. high school pa tayo, natorpe lang ako dahil ang daming nanliligaw sayo at lahat sila ay mas sa akin. ano nga namang laban ko diba? Pero kasi, hindi ko na kaya eh. Icy, mahal kita” pagkasabi niya nun ay tumunghay siya at nakita ko ang sincere niyang mata.

“Carlo…sorry. I can’t reciprocate your love, I don’t love, Carlo. I don’t feel anything, love hates me. I’m not allergic to love, but love is allergic to me. It has its own way that destroys me. And Carlo…I-I just see you as a best best friend, a best brother anyone can have” sabi ko at yumuko siya.

“Sorry” sabi ko. hirap na hirap pa akong sabihin ito, pero kasi, I just can’t.

“Okay lang. I already expected this. Hirap na hirap na kasi akong tinatago to, I just want you to know. Hindi ko naman hinihingi na ibalik mo eh. alam ko namang hanggang kaibigan at kuya lang ang tingin mo sakin.” Nakangiti niyang sabi.

Mamula mula pa ang mata niya pero ngumiti parin siya. Tumayo ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko na maingat akong tinutulak pero hinigpitan ko pa ang yakap ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon