DIL #62- Inevitable Heartbeats

109 4 0
                                    

62


Nagpractice ulit kami ngayon. Tatlong rounds lang, dahil bukas na yung contest. Hindi naman kami kasali, guest lang kami. Pinalitan namin yung isang kanta namin. Kaya nagpractice ulit kami pero unang practice palang ay nakuha na namin.

Umuwi na rin ako pagkatapos nun. Masyadong nagko-concentrate si Mark na magpractice nun eh. Bumaba na ako ng tricycle at nagpaalam na sa mga kabanda niya. Umandar na ulit yung tricycle at umalis na sila. Pumasok na ako sa bahay at naabutan si Spade na tulog ulit sa upuan.

Naligo muna ako dahil nabasa nanaman ng pawis yung likod ko. Pagkatapos kong maligo ay bumalik ako sa sala. Tulog parin si Spade at mukhang init na init siya kaya nilapit ko yung electric fan sakanya. Yun na din yung dahilan para patuyuin yung buhok ko.

Habang nagsusuklay ay naramdaman ko ang kamay ni Spade sa baywang ko. Tinignan ko siya.


"What do you mean?" kunot noo ko siyang tinignan. Halatang kagigising niya nga lang. I gave him a puzzled and confused look. Mukhang na-gets naman na niya yun.

"Yung sinabi mo kay Mila sa court noon." Umiwas ako ng tingin a inirapan siya. Nagpatuloy lang akong magsuklay.

Buti naman at madali ng suklayin yung buhok ko, hindi katulad dati. Ang haba kasi noon.


"Wag mo naman akong sungitan nanaman oh. Ilang araw mo na akong sinusungitan. Bakit ka ba nagsusungit?" desperadong tanong niya.

"Itanong mo kay Mila" hindi ko napigilang sabihin ng malakas yun. Naramdaman ko siyang lumapit sa akin at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin sa baywang. Nababaliw na yata ako. Masyado kong nagugustuhan yung init ng yakap niya.

"Ano bang meron kay Mila? Mula nung pumunta siya dito sa bahay ang sungit sungit mo na. Tapos lagi mo na rin akong inaaway. Hindi naman tayo ganto noon, nung dumating lang talaga si Mila. Bakit?" tanong niya ulit. Hinarap ko na siya at inirapan.

"Tingin mo?" naiinis na talaga ako. Lalo at nababanggit nanaman yung Mila na yan. Putang Carmela Tuazon yan.


Tumayo na ako para pumunta sa kwarto.

"Nagseselos ka ba?" natigilan ako. Napapikit ako at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi. Wag kang assuming" sabi ko at pumasok na sa kwarto. Inayos ko yung mga gamit ko at sumunod siya sakin. Nakatayo siya sa harap ko pero hindi siya pinapansin. Animo wala akong nakikita.

"Nagseselos ka eh!" tinignan ko siya. Kumunot ang noo ko ng makitang nakangiti siya. "Magkaibigan lang talaga kami. Kapatid ang turing ko sakanya." Sabi niya.

"I don't care."

"Pinagseselosan mo si Mila eh!"

"Hindi nga ako nagseselos. Nakakairita lang na tawa kayo ng tawa. Akala mo wala ng bukas. Tapos yung cleavage niya pilit niyang pinapakita eh wala naman! Halatang inaakit ka niya, tapos ikaw naman mukhang enjoy na enjoy! Ano?! Tapos tatanungin mo kung bakit ako nagsusungit? Ang lakas pa ng loob mong tanungin kung bakit kita inaaway? Aba! Itanong mo sa punyetang Carmela na yan!" singhal ko at inirapan siya.


Nakakunot ang noo kong inaayos ang mga gamit ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Tinulak ko siya pero parang wala lang sa kanya yun.


"Bibitawan mo ako, o puputulin ko yang ari mo?" pagbabanta ko pero hindi parin siya natinag.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon