Chapter 1
Dagmar's PoV
"Anak huwag na huwag mo kakalimutan ang bilin namin ha? We're going abroad for our business trip. Huwag na huwag matigas ang ulo ha? Huwag ka ng lumabas pa ng bahay tutal bakasyon niyo na naman. Naintindihan mo ba, Dagmar?"
Ngumiti ako, "Opo, naintindihan ko."
Mukhang bantay sarado na naman ako nito.
"Your mother is right, anak. We are doing this for your sake and protection," ani naman ng aking tatay.
I smiled again, "Alam ko po iyon."
"Aalis na kami. Goodbye anak. We love you..."
Niyakap ko sila ng mahigpit, "Goodbye Mom and Dad. Ingat po kayo."
Pinanood ko lang sila na maglakad papuntang garage. Pati pagpunta sa labas ng pintuan ng bahay mukhang hindi pwede.
How long are they going to keep me in prison in this house?
Bumuntong hininga ako. Gusto ko rin naman makalabas and magsaya. Masama ba 'yon? Pero dahil ayaw ng aking mga magulang, huwag na nga lang.
Ng makita ko na umalis na ang kanilang sasakyan ay naglakad na ako papunta sa aking kwarto.
I'm already 19 years old but they treat me like a child. I want to go out and to have fun, para nga akong naka quarantine dito eh. Ni hindi man lang nalabas ng bahay.
Habang naglalakad sa modernong pasilyo ng aming bahay ay hindi ko mapigilang malungkot.
I know I should be happy because I have everything. Malaki ang bahay namin, marami kaming pera, may business ang aming pamilya at higit sa lahat, I can buy whatever I want.
But there's still missing...
Gusto ko talaga lumabas ng bahay na ito. I want to go outside, have friends, and have fun.
Funny to say but I have no friends right now. Masyado kasi akong secluded sa labas.
At alam ko rin na marami pang bagay ang hindi ko pa natutunan at nararanasan.
Kailan kaya ako magiging malaya?
Haay, huwag ng malungkot Dagmar! Ayan ka na naman eh. Libangin mo na lang ang sarili mo at maging masaya. 'Yun lang naman ang ginagawa ko eh.
Ng nakatapak ako sa tapat ng kwarto ng aking pintuan ay bigla iyong bumukas. Yep, that's an automatic door. Actually, lahat siguro ng nandito sa amin modernize talaga.
Noong sumarado na ang pintuan ay pumunta ako sa gilid ng aking kwarto kung nasaan ang bookshelves ko.
Magbabasa na lang ako ng libro. Historical books to be exact.
Wala lang, gusto ko lang talaga ang historical genre na mga libro. I learned to appreciate the history at hindi lamang 'yun, interesting din ang genre na ito para sa akin.
Umupo na ako sa isang upuan malapit sa bookshelves at nagsimula ng magbasa. Ito lang naman ang gagawin ko buong maghapon eh.
Pero agad naman akong tumingin sa pintuan ng aking kwarto ng may kumatok doon, "Come in!" I shouted and the door automatically opened.
Ang taray hindi ba? Hindi na kailangan tumayo pa. Hayy.
"Miss Dagmar nakahanda na po ang tanghalian," magalang na saad ni Ate Krishel, isa sa mga maid ng bahay namin.
"Ano ka ba, Ate Krishel! Drop the formality, hindi naman ako ganoong katandaan," I chuckled and stand up. Hindi ko talaga tipo 'yung ganoong style ng pakikiusap sa akin.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...