Chapter 12

1.6K 77 1
                                    

Chapter 12

Dagmar's PoV

Kinabukasan.

Nandito ako sa hapag kainan at kumakain ng almusal. Wala na si ama dahil maaga siyang umalis. Kailangan daw maaga siya doon dahil maya-maya na siguro ang pagdating ng mahal na emperador at emperatris.

I actually never met them. May posibilidad kayang makausap ko sila? O di naman ay makita man lang?

Kumakain ako ngayon ng luto ni Nay Eleanor. I'm not sure what the food's name is but it tastes so good! 

Kahit mayaman naman kami in my past world, hindi naman ako maselan kumain. Kinakain ko kung ano ang pwedeng makain na niluluto nila para sa akin.

Bigla ko tuloy naalala ang dati kong buhay... I mean, my life in my past world.

Kapag walang pasok, lagi na lang akong nagbabasa ng libro. History and educational books to be exact. Kung ano anong libro ang binabasa ko tungkol sa history or educational. 

Marami akong natutunan sa educational books. As in, sobra. I learned how to do household chores through books and all... Basta, sa mga libro ko natutunan ang mga bagay-bagay.

Hindi naman ako nagbabasa ng romance na libro because Mom restricted it. Ang sabi niya ay masyado pa akong bata for all those kind of things.

Uminom ako ng tubig bago nagpasya na tumayo. Now that I finished my breakfast, I want to take a bath.

"My lady..." Napatingin ako kay Irene na nasa gilid ko na pala. "Maliligo po ba kayo?" 

Tumango ako, "Oo, Irene. Gusto ko sanang maligo na." I stated. 

Nagtungo naman kami ni Irene sa paliguan at napangiti ako ng makitang mukhang ready na ang papaliguan ko.

"Irene... nga pala nakapagpaalam na ako kay Nay Eleanor na lalabas tayo. Gusto ko kasi pumunta sa pamilihan. Ayos lang ba 'yun sayo?" Sambit ko.

Agad naman siyang tumango at ngumiti, "Sige po, my lady. Walang problema!"

I just smiled at her. Ng makaalis na si Irene ay hinubad ko na ang aking suot at dahan-dahan umupo sa bathtub na gawa sa marmol.

***

Irene's PoV

Tahimik akong naglalakad dito sa pasilyo ng mansyon ni Master Olavus.

Pupunta ako sa dining room dahil ang alam ko ay nandoon si Nay Eleanor. 

Naabutan ko siyang nagliligpit ng pinagkainan kaya agad ko naman siyang tinulungan.

"Oh, Irene." Agad siyang tumingin sa pwesto ko. "Nandyan ka pala. Nasaan si my lady?" Tanong niya.

"Naliligo po siya, Nay..." Sagot ko habang tinutulungan siya.

"Ah ganun ba? Oo nga pala, pupunta kayo sa pamilihan." Sambit niya. 

Napansin ko naman na wala si Nay Maya. Kahit ko pa kasi siya nakikita simula noong gumising ako kaninang maaga.

"Nasaan nga po pala si Nay Maya, Nay Eleanor?" Tanong ko.

"Kasama siya ni Master Olavus. Ngayon kasi ang dating ng emperador at emperatris." Natigilan naman ako sa pagliligpit ng sabihin 'yan ni Nay Eleanor.

"Oh? Anong problema, Irene?"

"Ngayon na ang dating ng mahal na emperador at mahal na emperatris?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Kumunot ang noo ni Nay Eleanor, "Oo, Irene. 'Yun ang sabi ni Master Olavus. May problema ba?"

Hindi agad ako nakaimik.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon