Chapter 7

1.8K 82 2
                                    

Chapter 7


Dagmar's PoV

Buong tanghali nag stay lang ako dito sa aking kwarto. 

Wala lang, nag eenjoy naman ako habang pinapanood ang scenery dito sa harap ng bintana ng kwarto ko.

Madalas nasilip sa dito sina Irene o di kaya naman ay si Nay Eleanor para tingnan ako.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang kalangitan. Ang ganda-ganda talaga ng panahon ngayon. Ang ganda ng ulap sa langit. 

Oo nga pala, nasabi rin ni Astrid sa akin noong isang araw na dadalo rin sila ng banquet. Maging sila Chen. Na excite naman ako! Makikita ko rin sila sa banquet!

Pero here's my question, ano kaya ang ginagawa sa banquet? Napa kamot tuloy ako ng aking ulo. 

Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto ng bumukas iyon. Si Irene pala.

"My lady, nandyan na po sila Master Olavus at Nay Maya. Kakain na rin po tayo sa baba." 

Sa pagkakaalam ko, si Nay Maya ang isa pang kasamahan ni ama dito sa Korvus.

Tumango na lang ako kay Irene at tumayo. Mukhang kakain na kami ng tanghalian.

Sinundan ko lang si Irene papunta kung saan man kami pupunta. 

Habang naglalakad, nadaan namin ang isang parang swimming pool area ng mansyon. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang linis kasi ng tubig! Ang sarap siguro maligo doon.

Nagpunta kami sa isang malawak ng kwarto na may malaking mesa sa gitna at may mga upuan na nakapalibot dito. 

Napangiti ako ng makita ko si ama. Mukhang may pinag uusapan sila nina Nay Maya at Nay Eleanor. 

Agad namang tumingin si Nay Maya sa direksyon ko, "Oh! Nandyan ka na pala, Lady Dagmar!" Nakangiting bati sa akin ni Nay Maya.

Ngumiti naman ako sa kanya. 

"Ang tagal na nating hindi nagkita ah. Mas lalo kang gumanda ngayon..." 

"Salamat po..."

"Kamusta naman, anak? Tara na't kumain muna tayo," bati sa akin ni ama.

Tumango ako at ngumiti. Umupo na din ako sa tabi niya. Napansin ko rin na good for 2 peoples lang ang nakahanda sa lamesa.

Nanatiling nakatayo sina Nay Eleanor, Nay Maya, at Irene. Mas masaya siguro kung sabay-sabay kaming kakain pero mukhang hindi 'yun pwede. Nakagawian na siguro iyon at parte na ng kultura. 

As usual, masarap na naman ang kain ko. Masarap talaga magluto si Nay Eleanor.

Habang kumakain kami ay nakikipagusap rin si ama kay na Nay Maya.

"Nasaan nga pala si Columbus, Master?" Rinig kong tanong ni Nay Eleanor.

If I'm not mistaken, si Columbus ang isa pang kasamahan ni ama.

"He's now at a dressing shop. Pinapakuha ko na sa kanya ang susuotin ng anak ko sa banquet bukas."

Napatigil ako sa pagkain. Bukas na pala gaganapin ang banquet? 

Napatingin ako kay Irene ng humagikgik ito, "Sigurado akong maganda ang susuotin ni my lady bukas!"

Tumingin ako kay Nay Maya na nakangiti sa akin, "Bukas ka dadalo ng banquet, my lady. Kasama mo naman si Irene at ang iyong ama. Maiiwan kami ni Eleanor dito dahil isa lang dapat ang kasama mo don." 

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon