Chapter 22

1.2K 58 1
                                    

Chapter 22

Dagmar's PoV

5 days have passed and our routine is the same. Limang araw na ang nakalipas bago nangyari nung gabing iyon. He doesn't seem bothered about what just happened.

Pero ako nagtataka pa rin, may gusto bang pumatay kay my lord?

Ganun pa rin ang ginagawa namin sa makalipas na ilang araw. The same routine over and over again. Gigising ako tapos maghahanap ng pwedeng kainin sa almusal, maglalakad sa likod ni Ivor ng ilang oras, kakain ng tanghalian, lakad ulit, at tutulog sa gabi.

And the cycle repeats over and over again.

Sa nakalipas na ilang araw, masasabi kong sanay na ako sa buhay dito sa kagubatan. It's so refreshing actually. Marami akong natutunan at ni isang beses hindi naman ako nagutom. Maraming pagkain ang nandito sa paligid.

Hindi rin nawawala sa isipan ko sina Nay Eleanor, Nay Maya, Irene, pati na din si ama. Kamusta na kaya sila sa Korvus? Sana maayos lamang ang lagay nila.

Pati na din ang mga pamilya ko sa kabila kong mundo, hindi rin mawala sa isipan ko.

Hindi ko pa rin tiyak kung nasaan ba kami. Patuloy lang kaming naglalakad kasunod ni Ivor at hindi ko alam kung saan kami patungo.

Mas pinili ko na lang na tumahimik kesa magtanong pa kay Archie dahil panigurado akong sasagot si Master Ruben, at magsisimula na naman sila magtalo.

Kasalukuyan kaming naglalakad, hapon na at siguro ilang oras na lamang ay lubog na ang buwan.

Nakanguso ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko habang naglalakad. Ang baho ko na siguro!

Limang araw na akong hindi naliligo! Nakakahiya naman magtanong kay Archie kung saan pwede maligo.

Tuwing may call of nature naman ako, syempre dito na lang din. Noong una, ang awkward pero as day passes, sanay naman na ako.

Sana naman may madaanan kaming batis o lawa para makaligo naman ako. May dala-dala naman akong kagamitan sa pagligo eh.

"May iniisip ka ba, Dagmar? Bakit ka naka nguso?" Napatingin ako kay Archie na nasa gilid ko nang tanungin niya ako.

"Ahh, wala lang. Iniisip ko lang kung saan pwede maligo, Archie. Feeling ko ang baho ko na eh!" Nakasimangot kong ani sa kanya. Mukhang hindi naman narinig ni Master Ruben at my lord ang sinabi ko.

Humagikgik si Archie, "Ano ka ba, Dagmar! Hindi ka mabaho ano! Sa katunayan, ang bango-bango mo pa nga eh! Amoy bulaklak ka pa rin!" Masayang ani sa akin ni Archie.

Mas sumimangot ako. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Archie. Mahilig pa lang mambola ang batang ito.

Magsasalita pa sana ako pero narinig ko na nagsalita si Master Ruben, "Haay! Ang ingay!" Sabay kaming napatingin ni Archie kay Master Ruben na matalim na nakatingin sa direksyon namin.

Napakamot naman ako ng ulo. Sa mga nakalipas na araw, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Master Ruben. Pero ayos lang naman 'yon, hindi ko pipilitin kung ayaw niya talaga.

Umirap si Archie sa direksyon niya at pinagkrus ang dibdib, "Matandang pandak na ito, napaka talaga," ismid na sambit ni Archie at tiningnan ng masama si Master Ruben.

Napangiti na lang ako sa kakulitan nila. Lagi din silang ganyan sa nakalipas na limang araw. Para silang aso at pusa.

Lagi silang nagbabangayan at nagkukulitan. Paminsan minsan naman ay inaasar ni Archie si Master Ruben pero sinasaway ko naman kapag sobra na.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon