Chapter 25
Maya's PoV
Nandito lamang ako sa aking silid sa mansyon ni Master Olavus. Wala akong magawa kundi magbasa na lamang ng libro tungkol sa medisina.
Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto ng may kumatok doon, "Sino 'yan?" Tanong ko at tumayo para buksan ang pintuan.
"Nay Maya?" I heard Irene call.
Binuksan ko naman ang pintuan, "Bakit Irene? May kailangan ka?" Tanong ko.
"Nay Maya, may naghahanap po sa inyo sa labas," wika niya.
Nagtaka naman ako, "Sino daw?" Tanong ko at lumabas na ng kwarto.
Irene shrugged, "Hindi ko po kilala kung sino 'yun." Sagot niya.
Kumunot naman ang noo ko. Sino kaya ang nasa labas at hinahanap ako?
"Sige, papunta na ako dun. Salamat sa pagsasabi, Irene."
Agad naman akong nagtungo sa silid tanggapan ng mansyon. Sino kaya ang naghahanap sa akin?
Ng makapunta ako sa silid tanggapan ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang upuan. Kumunot muli ang noo ko. Bakit siya nandito?
"Sonia?" Bati ko sa kanya, "Nandito ka pala?"
The woman right here is Sonia Rhodos. Mistress Sonia Rhodos. Matalik ko siyang kaibigan noon pa man. Siya ang asawa ng ika-tatlong konseho, si Master Elias Rhodos.
Ngumiti siya sa akin, "Maya, gusto ko lamang ikaw bisitahin." Bati niya sa akin.
Ngumiti ako pabalik at umupo sa kanyang tabi. Nagdala naman si Irene ng cookies dito at tsaa kaya nagpasalamat kami.
Si Sonia ay matagal ko ng matalik na kaibigan. Dalaga pa kami siya na ang lagi kong kasama. At hindi lamang 'yun, isa rin siyang eksperto sa medisina. Magkasabay kami nag aaral noon kaya naging malapit kami sa isa't isa.
"Gusto ko lang tanungin kung kamusta ka na," wika niya sa akin. "Kamusta ka na, Maya?"
Ngumiti ako, "Ayos lang naman ako, Sonia." Sagot ko naman.
Tumango siya bago nagsipsip ng tsaa, "Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na kahit papaano nagiging masaya ka matapos ang nangyari sayo noon," she said with sympathy.
Ngumiti muli ako ng maliit, "Tama ka dyan, Sonia. Pero wala eh... para sa akin may kulang pa din," mapait kong wika.
She sighed, "Alam ko. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman mo," sambit niya. "At ibang klaseng kulang ang sinasabi mo. I mean, this is so unfair to you. Anak mo siya, bakit ka pinagbawalan na lumapit sa kanya?"
Umiwas ako ng tingin dahil may namumuong luha na naman sa mga mata ko.
"Pero paano kaya kung ipinaglaban ka? Paano kaya kapag hindi siya naduwag? Paano kaya kapag ipinaglaban ka ni Rowan? Edi sana... masaya lahat kayo ngayon."
Tumikhim ako. I hate how this conversation is going. Ayokong pag usapan pa ito. "Sonia..."
"I'm sorry. I can't help it."
Ngumiti na lamang ako ng maliit.
She sighed again kaya napatingin ako sa kanya, "Pero new topic, I've found the empress' condition odd."
Kumunot ang noo ko.
"I know you will relate to me since both of us know medicine well. Pero... hindi ko alam. Parang may mali. Lalo pa 'yung herbal na hinahanap na physostigma venenosum. Kung pwede nga lang sana... tingnan natin ang kondisyon ng empress." Huminga siya ng malalim, "Talaga bang maasahan 'yung Therese Bhavani na babaylan na 'yun?
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...