Chapter 6
Dagmar's PoV
3 days have passed and now is the day that we're going to Korvus.
No joke pero excited na talaga ako makapunta doon. Base sa kwento kasi ng aking ama, Korvus is such a lively place. At sa buhay ko ni isang beses hindi ako naka halubilo sa ibang tao, even in my past world.
Sa tatlong araw na nakalipas, nag impake lang kami ng aming dadalhin. Nauna na rin si ama pumunta doon kahapon dahil may emergency meeting daw.
Hindi pa sumisikat ang araw at nandito na kami sa labas ng tarangkahan. Dalawang karwahe na magkasunod ang nasa labas, ang isa ay kung saan kami sasakay nina Irene at Nay Eleanor samantalang ang isa naman ay para sa mga kagamitan namin.
Kasama naman ni ama si Columbus, ang kanyang personal assistant o personal household niya. I think he's a middle aged man who has been working with my father for a couple of years now.
Si Lyndon naman ang coachman ng karwahe at kasama rin si Alfred. Si Fred naman nagpaiwan para bantayan ang tahanan namin dito.
"Handa na po ba kayo?" Tanong ni Lyndon sa amin.
Tumango kaming lahat. "Oo, handa na kami. Tara na?" Wika ni Nay Eleanor.
Inalalayan naman nila ako papasok sa karwahe. Sumunod naman agad sina Irene at Nay Eleanor.
Naupo ako sa kaliwang bahagi katabi si Nay Eleanor at sa kanan naman si Irene. Habang nasa labas naman sina Alfred at Lyndon sa harapan.
"Hooo!"
Nagsimula ng umandar ang karwahe. Hindi ko mapigilang mapangiti. Excited na talaga ako makapunta doon sa Korvus.
Hindi ko alam kung ang nararamdaman kong ito ay galing sa dating may ari ng katawan na ito na hindi pa nakakapunta sa Korvus sa tanang buhay niya o ako mismo na hindi pa nakakapunta sa isang lungsod sa dati kong mundo?
"Mukhang masaya kayo my lady na makapunta kayo sa Korvus..." Napatingin ako sa aking tabi ng magsalita si Nay Eleanor.
Ngumiti naman ako, "Opo, Nay. Masaya po ako dahil makakapunta na ako sa Korvus."
"Maganda po doon, my lady. Marami din pong mga tao doon kaya sigurado akong may makikilala kayong bagong mga kaibigan!" Masayang wika sa akin ni Irene.
Oo nga pala. Unlike me, nakapunta na doon si Irene ng maraming beses dahil minsan ay inuutusan siya ni ama.
Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi niya. Then if that's the case, I can't wait to go there!
Bigla ko namang naalala ang isa pang sinabi sa akin ni ama. Dadalo daw ako ng isang banquet na pinamumunuan ng Empress Dowager, ang ina ng emperador ng Al-Uzza Empire. Si Empress Dowager Caelestis Vertishire.
Posible kayang makita ko siya sa banquet? Ang sabi rin sa akin ni ama sa makalaw na daw iyon gaganapin. O posible rin kayang makita ko rin ang iba pang miyembro ng imperial family doon?
"Pwede ko bang buksan ang bintana?" Tanong ko kay Nay Eleanor.
Tumango naman si Nay Eleanor, "Oo naman, my lady."
Dahan-dahan kong binuksan ang bintana. Hindi pa sumisikat ang araw at madilim-dilim pa naman ang paligid.
Kung may orasan dito, I must say that it's only 5am here in the morning.
Maaga kaming umalis dahil mukhang malayo layo pa ang Korvus dito. Tiningnan ko ang paligid na tanaw ko sa bintana ng karwahe na ito.
Puro puno lamang ang nakikita ko. Tumaas naman ng bahagya ang mga balahibo ng katawan ko kaya sinara ko na ang bintana. Baka kung ano pa ang makita ko sa labas.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...