Chapter 33

1.2K 54 0
                                    

Chapter 33

Maia's PoV

"Oh my god! Oh my god!" Astrid exclaimed, "Pakisampal nga ako ng isang beses kung nanaginip ako! Totoo ba ang nakita ko kanina? T-Talagang binuhat ni Ivor si Dagmar?" Hindi niya makapaniwalang tanong. 

She looked so surprised— I mean, we all are.

Nanatili akong tahimik at nakatingin sa direksyon kung saan lumabas sina Ivor at Dagmar.

"Hindi ka nanaginip, Astrid! It's all true!" Bulaslas ni Carmela.

"Hmm..." Napatingin ako kay Remi na nandito rin. Nakaupo at hinihimas ang kanyang baba na para bang malalim ang iniisip, "In fairness ah?" 

I think he's talking about what we witnessed earlier.

"Hindi ako makapaniwala. This is the first time it happened. I mean, kailan pa 'yun nagpakita sa ganitong salo-salo? But that doesn't matter, ang ikinagulat ko ng sobra ay..." Sadyang hindi tinapos ni Shreya ang kanyang sasabihin. 

But I bet all of us knew what she was trying to say.

"Bakit ganun?" Takang tanong ni Morgan, "Bakit pakiramdam ko... nag iiba ang kilos ng prinsipe na iyon?"

"He's never like this before," ani naman ni Ezra.

Lumingon ako sa pwesto ni Drake. 

Nanatili siyang nakatayo habang nakatingin ng seryoso sa may pintuan kung saan lumabas kanina si Ivor na buhat-buhat si Dagmar. Hindi siya nakibo mula pa lumabas ang dalawan iyon.

Siya sana ang bubuhat sa babaeng iyon... naunahan nga lang. I think he's trying to process what just happened.

"Pero... sino kaya ang lumason kay Dagmar?" Tanong ni Denzyll. That's exactly what I'm thinking. "Paimbestigahan kaya natin ang nangyari?" He recommend.

"Huwag na..." singit ni Eilson. 

Yeah, he's here. Kanina pa pala siya dumating dito sa Estrella. 

"Siya na ang bahala doon." Nakangisi niyang sambit. 

My right eyebrow lifted in satisfaction. Mukhang alam ko na kung ano ang kanyang gustong sabihin.

Nakita kong napailing na lang si Caerus at tumalikod para kausapin ang tagapamahala ng bayan na ito. I think he's investigating what really happened earlier.

 Paano nga nalason ang babaeng iyon? She was clearly poisoned earlier. Bakit siya nalason at kami naman ay hindi? Was that all intentional?

"Tss. But who knows, right? Malay niyo he will leave that girl nowhere. Pababayaan at hindi gagamutin. Parang hindi niyo naman kilala si Ivor," singit ni Louise. 

I tsked.

"Kanina pa namin 'yan tapos pag usapan. We're now at the poison thingy. But since you brought up that topic again..." ani ko. 

Tumingin naman agad sa akin si Louise.

"Why don't you share your thoughts, Maia?" I heard Reagan say. 

I even see how Eilson smirk widens.

Umangat ang dulo ng aking labi, "He's acting strange and odd these days. At alam kong... may mga rason 'yon."

May biglang tumayo sa kanyang upuan dito sa aming mesa. Kahit hindi ko pa iyon nakikita kung sino... mas lalong umangat ang dulo ng aking labi.

"I think I need to go," paalam niya.

Pero bago pa siya makaalis ay nagsalita ako. At alam kong rinig niya ito.

"He's acting weird with that... girl."

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon