Chapter 48

1.3K 61 1
                                    

Chapter 48

Dagmar's PoV

"Dagmar! You're here!" Agad na bati sa akin ni Astrid pagpasok ko sa malaking hall ng Korvus Palace. I smiled and greeted her back. Tiningnan ko naman ang buong hall, ang ganda ng set up ng buong palasyo. The decorations, the ambiance, and all. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ang nagaganap ngayon ay selebrasyon sa pagkapanalo nina Ivor. Sayang nga lang... hindi niya tipo magpunta sa ganitong selebrasyon. Though I understand it.

"Sino kasama mo?" She asked and sat beside me.

"Si Irene. Nasa comfort room siya ngayon, Astrid," sagot ko. Tiningnan ko naman ang isang juice na nasa harapan namin. Kukunin ko sana iyon kaso naalala ko ang nangyari noon. I was poisoned because I drank some juice. I titled my head. Imposible namang lalasunin muli ako ngayon diba? Nasa Korvus Palace kami ngayon.

Nilibot ko muli ang aking paningin sa buong hall. Marami ding tao ang nandito. All of them have a smile on their face while talking to one another. They are wearing their own kimono which suits them very well. The ambiance of the hall is very nice. Idagdag mo pa ang masarap na amoy ng pagkain! May musika din na pinapatugtog sa gitna ng buong hall and I bet you can hear it in every corner of the whole room. It sounds so romantic and calming. I'm in awe because of the surroundings.

Tumingin naman ako sa may bandang unahan ng hall. Nandun na ang iba pang miyembro ng imperial family, maging mga anak ng konseho ay nandito na din. They were all talking merrily there but I didn't find myself going there. Hindi naman sa ayaw ko pero mas gusto ko lang na nandito sa may bandang likuran, you know?

Maging ang empress ay nandun na din. She was talking to several women up there. If I'm not mistaken, mga asawa iyon ng konseho. Ang mga Mistresses. Nakita ko din doon si Mistress Xyneth, ang nanay ni Astrid. Hindi ko mapigilang isipin kung nabubuhay si ina, sigurado akong makikihalubilo din siya doon. I smiled sadly. Probably because of the different emotions I'm feeling. Mine and the real owner of this body's emotions perhaps.

Nagtama naman ang aming paningin ni Akisha. She is wearing an elegant purple elegant kimono which suits her perfectly. Bagay sa kanyang lilang mga mata at maputing kutis. Ng makita niya ako ay nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa kanyang mga mata. Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa kopita. I don't even know how to explain it but there's negative emotions in her gaze at me. I bit my lower lip. Parang noong nakaraan lang, kapag nakikita ko siya kumikirot ang dibdib ko at napapangiti ng mapait kapag naaalala ko ang nangyari doon sa restaurant. Pero ngayon, hindi na. Siguro dahil ayos na kami ni my lord? Maybe I let the bitter memories behind. 'Yung tingin ngayon ni Akisha, posible kayang dahil sa...?

"Hi ladies. Pwede bang maki upo dito?" Sabay kaming lumingon sa gilid ko ng may magsalita.

"Eilson?" Sabay naming bati ni Astrid. Hindi ko akalain na nandito rin pala si Eilson. I mean, it makes sense he's here. He's also a son of one of the imperial councils. Nagulat lang talaga ako siguro dahil nandito din pala siya.

Ngumiti siya sa akin, "Ako nga! Pwede bang maki upo? Ayoko umupo doon sa may bandang unahan eh," he stated. I nodded and smiled.

"Sure! I know that feeling. Ayoko din umupo dahil nandun ang mga iyon eh," Astrid said. I could even hear the disgust in her voice. Mukhang ayaw niya makisama sa mga nasa unahan. Bakit kaya? Is it because of something?

Eilson just chuckled because of what Astrid said. "It's understandable, isn't it?" Wika niya habang tumatawa at umupo sa unahan ko.

"I'll go and grab some food. May gusto ba kayo?" Tanong sa amin ni Astrid at tumayo.

Agad akong umiling, "Mamaya na ako kakain, Astrid. Busog pa naman ako," I answered. Kumain kasi ako kanina at busog pa naman ako. Pero kakain naman ako maya-maya.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon