Chapter 18

1.3K 54 1
                                    

Chapter 18

Dagmar's PoV

Inilibot ko ang aking paningin sa kagubatan. Ayon kay Eilson, dito daw ang tagpuan namin.

Napatingin ako sa isang kabayo na nandito. May kulay puti na kabayo dito tapos may maliit na parang karton na nakasabit sa kabayo. Siguro doon namin ilalagay ang mga gamit namin.

"Nandito na tayo, Dagmar," Sambit ni Eilson kaya napatingin ako sa kanya.

Tumango ako at ngumiti, "Salamat sa paghatid, Eilson." Pasasalamat ko.

Ngumiti lang siya sa akin bago tiningnan ang karton na nakasabit sa kabayo, "Doon mo ilagay ang mga gamit mo." Sambit niya kaya tumango ako at naglakad papunta doon.

Habang naglalakad, I can feel that someone is staring from me from afar. Inilibot ko naman ang paningin ko pero wala naman akong makita pang iba. Masyado kasing madilim ang paligid at tanging nagbibigay lang ng ilaw ay 'yung parang torch na nakasabit sa karton.

Dahan-dahan kong inilagay ang bagahe ko 'dun. Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki. Siguro nga 12 years old lang siya.

"Hello, binibini. Ako pala si Archie Derby. 12 na taong gulang. Ano ang iyong pangalan?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako. Isa siya sa makakasama ko sa paglalakbay na ito, "Ako si Dagmar. 19 na taong gulang." Nakangiti kong pakilala at bahagyang yumuko.

Nanlaki ang kanyang mata, "Woah! 19 ka lang?"

Tumango tango ako.

"Ehem." Sabay kaming napatingin ni Archie sa isa pa naming kasamahan. Base sa itsura niya siguro kasing tanda siya ni ama. Mababa lang siya at sa tingin ko'y kasing tangkad lang siya ni Archie na hanggang dibdib ko.

Napalunok ako ng makita na matalim ang tingin niya sa akin.

May nagawa ba akong mali?

"Huwag mong pansinin ang matandang 'yan, Dagmar. Araw-araw kasi siyang topakin," Mahinang sambit sa akin ni Archie.

"Ganun ba?" May gamot kaya para dun?

Humalakhak si Archie kaya napatingin ako sa kanya, "Siya si Master Ruben, Dagmar. Matanda na siya. Siya din ay makakasama natin para sa misyon na ito," Nakangiti niyang sambit sa akin.

"Konseho din siya?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Umiling si Archie, "Hindi. Hindi siya konseho. Haha! Masyado kasi siyang mataas ang tingin sa sarili kaya-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Archie ng magsalita si Master Ruben.

"Hoy, Archie! Ano na naman ang sinasabi mo sa ha? Kung ano-ano ang sinasabi mo sa babaeng 'yan!" Singhal niya.

"Psh. Oo na, oo na." Archie hissed.

"Pfft. Una na ako ha, Dagmar. Ingat kayo." Napatingin kami kay Eilson.

Tumango ako at ngumiti, "Salamat ulit, Eilson. Ingat ka din!" I waved my hands to him.

Napatingin ako kay Master Ruben ng mahagip ko na nakatingin siya sa akin. Nakataas ang isang kilay at mukhang hindi masaya sa presensya ko.

"Ano ang tinitingin mo dyan ha?" Masungit na sambit ni Master Ruben sa akin.

Umiling naman ako, "Wala po, Master." I said and smiled.

Nakita ko na bahagya siyang natulala bago tumikhim.

"Haha! Flattered ang matandang 'yan, Dagmar! Hindi siguro niya akalain na-"

Napatigil sa pagtawa si Archie ng tumingin sa likuran ko. Napansin ko din na yumuko si Master Ruben at maging si Archie ay yumuko na din.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon