Chapter 3

2.4K 86 0
                                    

Chapter 3

Dagmar's PoV

"Kamusta ka naman Dagmar? Bakit ka ba kasi pumunta sa ilog na iyon? Ayan tuloy malulunod ka pa!" 

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang matinis na boses ni Astrid.

I never thought I'd experience this so sudden. 

Naninibago ako sa pakiramdam ko. Naninibago ako na magkaroon ng matalik na kaibigan. 

"Ayos lang ako Astrid," sagot ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kalangitan.

Ano nga ba ang nangyari bago ako pumunta dito? 

"Nga pala, babalik na pala si Master Olavus sa isang araw?" Tumingin naman ako agad sa kanya ng tanungin niya 'yan.

Unti-unti akong tumango, "Oo. Eh ang iyong ama? Babalik daw ba siya?" Tanong ko.

Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas na loob na tanungin siya ng mga ganitong bagay kahit bago pa rin ako sa lahat.

She shrugged at me, "Hindi ko pa alam. Pero sabi ni Nay Cecilia ngayong linggo din daw," sagot niya.

Her father was also an imperial council. Siguro matalik na magkaibigan ang aming ama kaya close rin kami sa isa't isa.

Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mundong ito.

Pero kung may pagkakataon, gusto ko sanang bumalik sa dati kong mundo.

Natigilan ako sa pagiisip ng makita si Irene na mapunta sa aming direksyon. May dala-dala siyang isang tray ng panghimagas.

Ng makarating siya dito sa pavillion ay yumuko siya ng bahagya, "Nandito po pala kayo Lady Astrid." 

"Nandito ako para kamustahin si Dagmar. Hehehe, ano 'yang hawak mo? Penge ha!" 

Natawa naman kami. Tumango na lang ako sa kanya.

Kumuha ako ng isang piraso ng parang cookies. Hindi ko alam ang tawag doon pero masarap iyon. Kumuha pa nga ako ng isa pang piraso eh.

"Nga pala, sana ulitin sayo ng iyong ama na pahintulutan ka na pumunta na sa lungsod," Nakabusangot na saad niya kaya tumingin ako sa kanya.

Oo nga pala, sa tanang buhay ng katawan na ito hindi pa ako nakakapunta sa mismong lungsod.

"Sana nga..." Mahinang usal ko.

Gusto ko rin sanang makapunta doon. Ni isang beses hindi pa nakakapunta doon ang katawan na ito eh.

Napatingin ako kay Irene noong tumawa ito, "Huwag po kayong maalala my lady! Siguro naman isasama na kayo ni Master Olavus sa mismong lungsod sa darating na araw. Tutal 19 na gulang na rin naman kayo," wika niya sa akin.

"Nakapunta ka na ba doon, Astrid?"

Tumango siya, "Oo! At isa lang ang masasabi ko! Napakaganda! Sobrang ganda! You're missing out on something big."

Nagulat ako ng magsalita siya ng wikang ingles. So pwede naman palang magsalita ng wikang ingles? Hindi ko iyon alam!

"Talaga?" I beamed, "Sana payagan ako ni ama makapunta doon..."

"Papayagan ka ni Master Olavus! Sus! Mabait naman ang ama mo eh," I smiled when I heard that. "Isa pa, ang gaganda ng lahi ng mga Imperial Family! Eeeeh!" 

Biglang nanginig si Astrid. Parang kinikilig? Anong nangyari dito? 

"Nakita mo na sila?" I asked.

Imperial Family? Oo nga pala, may Emperor at Empress dito. Ano kaya ang pangalan nila?

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon