Chapter 9
Dagmar's PoV
"My lady, may kailangan pa po ba kayo?" Napatingin ako kay Irene na nasa tabi ko pala.
I shook my head and smile, "Wala naman," sagot ko at uminom ng tubig.
"Kukuha ka ba ng wine, Astrid?" Narinig kong tanong ni Chen kay Astrid.
Kakain lang namin ng tanghalian ngayon. Sabay-sabay kaming kumain tatlo.
"Syempre!" Astrid exclaimed, "Huwag munang painumin ng wine si Dagmar. Bata pa 'yan," Dagdag pa niya.
Hindi naman talaga ako nainom ng mga ganoong inumin kaya ngumiti na lang ako.
"Gory! Kumuha ka nga ng dalawang wine please," Utos ni Chen sa kanyang kasamang lalaki. I think that is his personal servant too.
Luminga muli ako sa paligid. Wala namang nangyayari kundi nakaupo ang mga engrandeng bisita habang nasa unahan pa rin ang Empress Dowager at si Princess Shreya.
Ganito ba ang banquet?
"Astrid, ganito ba talaga ang nangyayari sa isang banquet?" I couldn't help but to ask.
Tumingin naman silang dalawa sa akin.
"Uh, oo! Parang social gathering lang ito. Formal party kumbaga. Her Majesty The Empress Dowager loves to throws party like this," sagot naman ni Astrid sa akin.
Napatango tango lang naman ako. Ahh, ganon pala.
Napatingin muli ako sa harapang mesa kung nasaan ang iba pang anak ng mga konseho. Nakita ko pang nakatingin sa akin si Maia kaya agad naman akong nag iwas ng tingin.
Bakit kaya siya nakatingin? May problema ba?
Dumating na si Gory na may dala dalang dalawang kopita ng wine at ibinigay niya kina Astrid at Chen.
Nagsimula na silang uminom habang ako naman ay nakatingin lang sa paligid.
Hindi ko talaga mapigilang mamangha sa kabuuan ng buong hall na ito. Sigurado akong malaki ang palasyo sa loob. Napakaganda ng design ng buong pasilyo at kwarto.
Gawa sa marmol at iba't ibang klaseng bato ang buong palasyo. Napapanganga na lang talaga ako!
"Nga pala, nakapagtataka na ngayon ka lang pinakilala sa lungsod, Dagmar." Biglang sambit ni Chen kaya tumingin ako sa kanya.
"Mas gusto kasi ni Master Olavus lumaki si Dagmar sa malayong lugar dito. Mas secure at peaceful nga naman kasi sa kabundukan ng Mitus." Wika ni Astrid.
Mitus pala ang pangalan ng kabundukan na tinitirhan namin. Ngayon ko lang nalaman...
"Pero pagkatapos ng banquet, uuwi ka na ba sa Mitus?" Tanong ni Chen sa akin.
Napaisip naman ako.
"Wala pa namang sinasabi sa akin si ama..." Sagot ko na lang.
Totoo naman eh, wala pang sinasabi si ama tungkol doon.
"Pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang mag stay muna dito?" Tanong naman ni Astrid.
Agad akong tumango at ngumiti, "Syempre! Gusto ko pa sanang mag stay dito. Mukhang masaya kasi sa lungsod na ito. Marami pa akong makikilalang tao!" Nakangiting sagot ko.
"Kung dito ka muna kung sakali, mag iingat ka Dagmar." Seryosong wika ni Astrid.
"Tama ka, mag ingat ka dito Dagmar."
Kumunot naman ang noo ko. Mag ingat?
"Bakit naman?"
"Maraming tuso sa lungsod na ito. This city could be dangerous. Kaya mag ingat ka," seryosong sagot ni Chen.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...