Chapter 23

1.2K 51 0
                                    

Chapter 23

Dagmar's PoV

Kumain na kami ng aming hapunan. Nagluto ako ng itlog na may kamatis para aming makain. Iyon ang nahanap na sangkap nina Master Ruben at Archie.

"Haay! Busog na din! Salamat sa pagluluto ha, Dagmar!" Wika sa akin ni Archie.

Ngumiti ako pabalik habang naghuhugas ng mga pinaggamitan ko sa pagluluto.

"Tch! Hindi naman masyadong masarap eh."

"Ikaw na matandang pandak ka talaga. Eh naubos mo kaya ang ibinigay sayo. Tsk, tsk!"

Nagpatuloy lang ako sa paghuhugas habang sila Archie at Master Ruben ay nagkukulitan sa likuran ko. They're always like that. Pinapanood ko na lang din minsan ang kulitan at asaran nila sa isa't isa.

Pero minsan inaawat ko na din kapag sobra na, lalong lalo na si Archie sa pangaasar kay Master Ruben.

Ilang minuto ang nakalipas at tumigil na sila. Inaayos ko ang bagahe ko ng magsalita si Archie.

"Dagmar, tulog na ako ah?" Inaantok niyang saad habang nakapwesto na para matulog.

Ngumiti ako, "Sige. Goodnight, Archie." Sambit ko at tumingin kay Master Ruben na nakapwesto na din para matulog, "Goodnight din po, Master Ruben."

Inismiran niya lamang ako, "Tch!" He hissed and closed his eyes.

Nagpatuloy lang ako sa pag aayos ng aking kagamitan bago inayos din ang aking higaan. Pumwesto ako sa ilalim ng malaking puno bago umupo doon.

Kinuha ko muna ang aking hair brush na dala-dala ko at sinuklay ang aking mahabang itim na buhok. Basa pa kasi iyon dahil naligo nga ako kanina.

Napangiti ako. Maaliwalas ang pakiramdam ko at paniguradong masarap ang tulog ko nito.

Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay napapiksi ako sa aking kinauupuan ng may makita akong pigura ng isang tao malayo layo sa pwesto ko.

I blinked. Tama ba ako ng nakikita? Talagang may tao don?

Sino naman? Baka si Ivor? Si my lord?

Sa hindi malamang dahilan ay tumingin ako sa kalangitan kung saan bilog na bilog ang buwan at muling tiningnan ang aking harapan.

Pero agad namilog ang aking mga mata ng makita ang isang pigura ng lalaki.

Lalaking may kulay puting maskara at kulay itim na kasuotan na nakatingin sa direksyon ko. Tumaas naman ang balahibo sa aking katawan. S-Sino 'yon?

Kumurap muli ako at nakitang wala na ang lalaking iyon don. Sigurado akong hindi ko 'yun imahinasyon. May lalaki talaga dun kanina. Pero sino 'yun?

Bakit nakatingin sa pwesto ko?

***

Denzyll's PoV

Hindi ko mapigilang tingnan si Drake na nasa tabi ko ngayon sa karwahe.

Malalim na ang gabi. Ilang oras na din ang nakalipas noong lumubog ang araw.

Ilang araw na din ang nakalipas bago kami umalis sa Korvus. And I must say, this prince beside me is acting weird. Parang may iniisip lagi at mas lalong hindi lagi mapakali.

Ano kaya ang iniisip nito? Hindi naman ako katulad ni Carter na chismoso pero hindi ko mapigilang maintriga.

Hindi ganito si Drake. Noong mga past mission namin hindi siya ganito. He's acting strange.

Usually, he will speak about our plans for the mission. Araw-araw niya ako kinakausap tungkol sa aming misyon. He will be lively as heck always. But now...

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon