Chapter 29

1.2K 59 5
                                    

Chapter 29

Dagmar's PoV

"Bakit kaya hindi tayo pwedeng lumabas?" Narinig kong tanong ni Master Ruben.

Hindi naman ako nakaimik agad. Hindi ko din alam kung bakit hindi kami pwedeng lumabas ayon kay my lord. I wonder, bakit kaya? Ngayon hanggang bukas raw ng umaga.

Archie sighed, "Wala naman din akong ideya." Sagot niya.

Nandito kami sa loob ng bahay ni Nay Olga. Kakain lang namin ng tanghalian ilang oras ang nakalipas. Siguro kung may orasan dito, mga 3pm in the afternoon na ngayon. Nakaupo lang kami dito at walang ginagawa, hindi naman kasi pwedeng lumabas.

"Baka may nalaman si Ivor..." Lumingon ako sa pwesto ni Nay Olga ng sabihin niya 'yan. Nakaupo rin siya sa isang upuan dito sa isang silid sa bahay niya. "Na dahilan kung bakit niya tayo inutusan na mag stay dito sa loob."

Ano kaya ang nalaman ni my lord kung ganon?

We spent the rest of the day doing nothing inside of Nay Olga's house. Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay palubog na ang araw. Hindi pa rin naming magawang lumabas ng bahay dahil utos iyon ni my lord... at wala kaming magagawa don. Pero hanggang ngayon napapaisip pa rin ako, bakit kaya hindi pwede lumabas?

May mangyayari ba sa labas?

Ngayon ay nandito kami ni Nay Olga sa kusina. Tinutulungan ko siya sa pagluto ng aming hapunan. Sina Master Ruben naman at Archie ay nasa salas ng bahay, nag aasaran na naman siguro.

"Saan ka nga pala galing kaninang umaga, iha? At pinahanap ka pa ni Ivor?" Bigla tanong sa akin ni Nay Olga kaya napatigil ako sa paghihiwa ng kamatis.

"Galing po akong bayan, Nay Olga. Kasama ko po ang kaibigan kong si Astrid, isang anak din po ng konseho," sagot ko at nagsimula muling mag hiwa ng kamatis.

"Ahh..." Tumango tango si Nay Olga habang nag priprito, "Sigurado ako na ang kaibigan mong 'yan ay hindi rin pabor na makasama mo si Ivor. Tama ako ano?" Nay Olga asked out of nowhere.

Tumingin ako sa kanya. I titled my head. Si Astrid hindi pabor na makasama ko si my lord... si Ivor dito sa misyon na ito? Nay Olga's kinda right there, "O-Opo, Nay. Nagtataka nga po ako kung bakit halos lahat ng tao ay pinipigilan akong sumama kay my lord para sa misyon." Nakanguso kong sambit.

Nay Olga laughed bitterly, "Hindi na ako nagulat sa sinabi mong 'yan, Dagmar..." Mapait na wika ni Nay Olga. "Everyone thinks that he's evil, bad, and a tyrant."

Hindi naman ako nakaimik agad.

Tumingin sa akin si Nay Olga, "Iha, lumaki ka sa Mitus hindi ba? Malayo sa Korvus?"

Tumango tango ako, "Opo, dun po ako lumaki." Sagot ko.

"That explains why." She smiled a little bit, "Malayo ka sa bayan ng Korvus kaya hindi mo pa alam ang mga kwento ng mga 'krimen' kuno na ginawa ni Ivor," she added sadly.

"Tama po ba... ang naririnig ko? May mga krimen na nagawa si my lord?" I unconsciously asked.

Humigpit ang hawak ni Nay Olga sa sandok at tumingin sa akin ng seryoso, "Sa tingin mo, Dagmar? Totoo ba ang lahat ng narinig mo?" She asked me seriously.

"Hindi ko po alam ang isasagot ko dahil... 'yun lang po ang narinig ko. May nagawa siyang krimen. Yun lang po. Pero hindi ko alam ang buong istorya at kung krimen ba talaga ang ginawa ni my lord... At sabi lang po sila ng sabi na kriminal at masamang tao si my lord pero hindi naman po nila sinabi ang buong istorya at kung totoo ang lahat ng 'yun," Wala sa sarili kong sagot.

Nay Olga surprised me by smiling. Her smile was big and bright. Parang sumaya sa kanyang narinig, "Mabuti naman at iyan ang iyong pananaw tungkol kay my lord, Dagmar. Nakakamangha na may ganyan kang pananaw sa buhay. Hindi na talaga ako nagtataka." She stated amusedly.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon