Chapter 13

1.5K 71 3
                                    

Chapter 13

Master Olavus' PoV 

"Masama ang kutob ko dito ah..."

Napalingon ako sa aking tabi kung nasaan si Rocco (9th imperial council) at Galvin (7th imperial council) na mukhang malalim ang iniisip.

Kami pa lamang ang nandito sa hall at hindi ko alam kung nasaan ang iba pang mga konseho.

"May mali talaga sa nangyayari eh..." Rinig kong bulong ni Rocco na alam kong rinig din ni Galvin. "Ang sabi ng tagapagtalastas sa bayan ay ngayon daw ang dating ng mahal na emperador at mahal na emperatris galing sa Yutanji. Pero ang sabi sa atin ay kahapon pa..."

"Bakit ganon? Nagkataon lang ba na hindi nagkaunawaan tayo?" Tanong ni Galvin.

"Hindi ko alam. Pero nakapagtataka lang, ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko ng pagiging isang konseho." Wika ko naman.

Pero may punto si Galvin sa sinabi niya kanina. Baka hindi lamang nagkaunawaan...

"Ngayon lang ito nangyari. Posibleng hindi nga nagkaunawaan kaya iba-iba ang ating alam..." Sambit naman ni Rocco.

"Pero... Tss! Hindi ko alam kung bakit talaga hindi maganda ang kutob ko." Napatingin ako kay Galvin na mukhang malalim pa rin ang iniisip.

Napatingin kami sa pintuan ng silid ng bumukas iyon. Iniluwa doon sina Rowan (2nd imperial council & Maia's father) at Garner (4th imperial council & Carmela and Carter's father)

"Anong balita?" Bati ko sa kanila.

Huminga ng malalim si Garner bago umupo sa isang upuan, "Maging ang mga prinsipe at prinsesa ng palasyo ay walang ideya kung bakit ang alam natin ay ngayon ang balik ng emperor at empress galing sa Yutanji."

Napatingin kami kay Rowan ng may pinatong siyang papel sa mesa. Isang sulat...

"Nakalagay sa sulat na iyan na ngayon ang dating ng mahal na emperador at emperatris kaya ipinakalat ko ang balita na ngayon ang dating nila." Seryosong sambit ni Rowan.

Rocco frowned, "Kung gayon, kanino 'yan galing?"

"Nakasulat ang pangalan ng mahal na emperador at emperatris..."

Nagkatinginan kaming lahat. 

"Kung iyan ay galing sa emperador at emperatris, sino ang nagutos sa tagapagtalastas sa bayan na bukas pa pala ang dating nila?" Tanong ko.

"Iyon ang hindi namin alam. Ipinahahanap ko kay na Elias (3rd imperial council) at Yousef (10th imperial council) kung sino ang tagapagtalastas noong araw na iyon sa bayan—" Natigilan sa pagsasalita si Carter at sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng marahas iyong bumukas.

Nakita namin sina Elias at Yousef na nagmamadaling binuksan ang pintuan. Nagtaka ako sa ekspresyon ng mukha nila.

"Anong balita?" Bati sa kanila ni Rowan. 

"We have a problem." Seryosong panimula ni Yousef. 

Kumunot ang noo ko.

"Ano iyon?"

"Patay na ang tagapagtalastas sa bayan na nagsabi sa madla na bukas pa ang uwi ng mahal na emperador at mahal na emperatris. Natagpuan siyang patay kanina lamang." Seryosong sambit ni Elias.

Napatayo kami sa aming inuupuan, "Ano?!"

Nagkatinginan kaming lahat. This time, masama na ang kutob ko talaga...

***

Dagmar's PoV

"Woah! Yey!" Halos tumalon na ako sa tuwa ng nakagawa ako ng apoy dito sa lutuan sa kusina.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon