Chapter 26

1.2K 61 0
                                    

Chapter 26

Dagmar's PoV

Maghapon wala kaming gumawa kundi magpahinga sa bahay ni Nay Olga. Buong hapon kami nakaupo sa kanyang bahay upang magpahinga. At buong maghapon hindi ko din makita si my lord. Hindi ba siya pupunta dito?

Hapon na at ngayon ay nakaupo kami sa may labas ng bahay ni Nay Olga. Pati sina Archie, Master Ruben, at Nay Olga ay kasama ko. Nagkwekwentuhan lang sila at ako naman ay tahimik lamang na nakikinig. Nagsasalita lang ako kapag ako ang tinatanong.

"Nga pala, pwede kayong pumunta sa bayan ng Estrella mamaya para maglibot libot," ani ni Nay Olga at tinuro ang kanan na direksyon, "Dumiretso lang kayo doon at makikita niyo na ang bayan ng Estrella. Tutal bukas pa naman kayo inutusan ni Ivor na magtanong kaya pwede kayong maglibot muna," dugtong pa niya.

Tama si Nay Olga, bukas pa kami inutusan ni my lord na magtanong tungkol sa herbal na iyon. At pwede rin daw maglibot muna kaya siguro pupunta ako doon mamaya.

"Sigurado akong papunta na ang iba pang grupo para sa misyon," Narinig kong wika ni Archie sa harapan kaya napatingin ako sa kanya. "Ang galing talaga ni my lord sa gubat! Lakad lang tayo samantalang sila ay sa karwahe pero dahil may alam na shortcut si my lord, naunahan pa natin sila!"

Oo nga pala, nasabi rin sa akin kanina na ang mismong empress dowager ang nagpayo na huminto muna sa bayan ng Estrella para magtanong tungkol sa herbal na kailangan para maging maganda na ang kondisyon ng empress, ang ina ni my lord.

Kung ganon, makikita ko sina Astrid mamaya? Na excite naman ako. It's been a long time since I last talked to her. Matapos ang ilaw araw makakausap ko na ang mga kaibigan ko.

"Bago ko makalimutan, may gusto akong sabihin sayo, Olga tungkol sa..." Pinutol ni Master Ruben ang kanyang sasabihin at tumingin sa akin.

Tumawa naman ng mahina si Nay Olga, "Oo na, Ruben. Ilang ulit mo na 'yang sinasabi sa akin kanina. Oo, makikinig ako sa iyong hinaing mamaya." Natatawang ani ni Nay Olga at tumingin sa akin.

Ngumiti lang ako ng maliit. Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwento habang ako naman ay tahimik na nakikinig lang. Unang naligo si Archie, sunod si Master Ruben, at ang huli ay ako. Kakaligo ko lamang kagabi pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na makaligo ulit.

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos naman ako ng sarili ko. Pinatuyo ko ang aking buhok at inayos ang simpleng kulay peach na kimono na suot-suot ko. Pagkatapos noon ay agad akong pumuntang sapa para maglaba ng mga sinuot ko.

Naramdaman ko na umupo si Nay Olga sa aking gilid, "Napakagaling mo nga sa gawaing bahay. Hindi ko akalain iyon. Nakakamangha na sa estado mo bilang anak ng isang konseho ng imperyo ay marunong ka ng mga gawain sa bahay," nakangiting wika sa akin ni Nay Olga.

Ngumiti ako habang nagpapatuloy sa pagkukusot, "Tinuruan po ako ng mga kasamahan ko sa bahay, Nay Olga. At nagpapasalamat ako dahil natutunan ko ang mga ito!" Nakangiti kong wika sa kanya.

She smiled back at me then she continued washing her own clothes. "Nakakabilib. And at the same time, nagpapasalamat ako dahil binigyan si Ivor ng isang makakasama katulad mo." She said, "Talagang mailap sa tao ang batang iyon, simula't sapul ay hindi masyadong nakakahalubilo sa mga tao."

Napatingin naman ako kay Nay Olga ng wala sa oras. Oo nga pala, she's his teacher way back then. Nanatili lang ako sa pagkukusot habang nakikinig sa kanya.

"Suplado at malamig na talaga ang batang 'yon simula pagkabata. Naging guro ako niya, at masasabi kong napakatalino ng batang iyon." Kwento niya pa tapos tumingin sa kanya.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon