Chapter 30

1.2K 48 2
                                    

Chapter 30

Dagmar's PoV

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Wala na sina Nay Olga, Archie, at Master Ruben sa kanilang mga higaan. Pumunta naman ako sa kusina at naabutan sila doon.

"Magandang umaga, iha!" Masayang bati sa akin ni Nay Olga. Mukhang kakatapos lang din nilang kumain.

"Magandang umaga po sa inyong lahat..." Bati ko sa kanila at umupo.

"Mukhang tanghali na ang gising mo..." Panimula sa akin ni Master Ruben at tinaasan ako ng isang kilay.

Tanghali na ako nagising dahil hindi agad ako nakatulog kagabi matapos akong lumabas. Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat ni my lord kagabi ay pinapasok niya agad ako sa bahay. Hindi agad ako nakatulog noon dahil malalim ang iniisip ko. Mahigit isang oras din akong gising bago ako'y inantok at muling nakatulog.

Binigyan ako ni Nay Olga ng pagkain kaya agad kong kinain iyon. Tahimik lamang akong nakain hanggang sa magsalita si Master Ruben.

"Dalian mo dyan, Dagmar. Pupunta na tayo sa mangangaso na 'yun. Pupunta na muli tayo sa Hellion na 'yun," utos ni Master Ruben. Agad akong tumango.

"Huwag muna siguro kayong umalis..." Singit ni Nay Olga kaya napatingin kami sa kanya.

Kumunot ang noo ni Master Ruben, "At bakit naman, Olga? Umaga na naman. Pwede ng lumabas ng bahay dahil hanggang umaga lang naman tayo bawal lumabas diba? Ayon yon kay my lord," nagtatakang sambit ni Master Ruben.

"Oo nga, Nay. Umaga na po oh! Kailangan na naming makapunta dun kay Hellion, inaasahan ni my lord na may progress na raw po ngayon eh," sumbat pa ni Archie at sumubo ng itlog.

"Mas mabuting huwag muna kayong umalis hangga't wala pa si Ivor..." nagaalalang sambit ni Nay Olga. Nagtaka naman ako, "Nabalitaan ko kanina lamang pagpunta ko sa bayan na may pagsabog na nangyari... mas mabuting huwag muna kayong pumunta doon. At balita ko din na may marami pang bomba ang nakatanim doon. Huwag muna kayong lumabas," seryosong sambit ni Nay Olga.

Nagkatinginan naman kaming tatlo. "Kailan daw nangyari ang pagsabog, Olga?" Tanong ni Master Ruben.

"Ang sabi ay kagabi raw. Mahigit isang daan raw ang nasugatan... may ibang malupit ang natamong sugat. May mangilan ngilan din raw na namatay," sagot ni Nay Olga. Napasinghap naman ako.

May pagsabog pa lang nangyari kagabi...? Natatandaan ko ang sigaw at hiyaw na narinig ko noong ako'y nagising kagabi. Siguro'y hindi ko lamang guni-guni iyon. Sadyang may nangyari sa bayan. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot at maawa sa mga napinsala ng pagsabog na iyon. Nagpapasalamat ako ng ligtas kami.

"Bakit may bomba daw don?" Tanong ni Master Ruben.

Nay Olga shrugged, "Yun ang hindi ko alam. Kaya ang mas mabuti ay dito muna kayo. Hintayin niyo muna ang utos ni Ivor. Alam ko namang alam na ng batang iyon ang nangyari sa bayan," wika pa ni Nay Olga.

"Oo nga, iyon na muna ang gawin natin. Hintayin muna natin si my lord..." ani ni Archie.

Tumango ako. Sang ayon naman ako don. Mas mabuti ngang hintayin muna namin si my lord bago mag umpisa. He's our leader and it only makes sense to wait for his announcement and signal. Tahimik lamang akong uminom ng tubig ng maubos ko ang aking pagkain.

Napatingin ako sa pintuan ng bumalik si Archie sa loob, "Nasa labas na si my lord!"

Parang robot kaming tumayo ni Master Ruben mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng bahay. Nasa labas na siya, baka sasabihin na sa amin kung ano ang gagawin tungkol sa misyon? Nauna na lumabas si Master Ruben at Archie at sumunod ako.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon