Chapter 2

3.4K 89 2
                                    

Chapter 2

Dagmar's PoV

"My lady?" 

Nabalik ako sa ulirat ng marinig muli ang boses ni Irene. 

Tumingin naman ako sa kanya na nasa aking gilid at bakas sa kanyang mukha ang pag alala.

Siya ang maid or household servant ng tunay na nagmamay ari ng katawan na ito. 

"A-Ayos lang ako, Irene..." Halos pabulong kong saad.

Until now, hindi pa rin maproseso sa utak ko ang nangyari. Like, I'm out of words. 

Kinurot ko bahagya ang aking braso para tingnan kung nanaginip ba lang ako or what. Nakaramdam ako ng sakit mula doon kaya totoo nga ang mga nangyayari!

Tiningnan ko ulit ng mariin ang kanyang kasuotan, ibang iba sa kasuotan namin. 

Nakasuot siya ng parang kimono na maala east asian na kasuotan. Kung ganoon, nasa east asia ba ako? 

"Wew! Buti na lang at gising na po kayo, my lady. Kinabahan po ako doon ah akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo," nakangiting wika sa akin ni Irene.

Ano nga ba ang nangyari sa akin?

Tiningnan ko din ang aking kasuotan. Nagulat ako dahil iba ang suot-suot ko ngayon.

Ang suot ko ngayon ay 'yung parang kay Irene lang at parang kimono din. 

Nasa Japan ba ako? Pero ang sabi nasa Al-Uzza ako.

Aish! Ang gulo!

"B-Bakit ako napunta dito?" Wala sa sariling tanong ko.

"Muntikan na po kasi kayo malunod kanina my lady. Buti na lang at walang nangyaring masama sa inyo! Lagot talaga kami kay Master Olavus kapag may nangyari sa inyo."

Huh? Nalunod?

Teka, who's Olavus?

Master Olavus Ghislaine is the 8th imperial council and is your father. 

So siya ang ama ko sa mundong ito? 

Ano kaya ang itsura niya? Kamukha kaya niya si Dad?

Katulad rin ba siya ni Dad na overprotective?

Napatingin naman kami sa kurtina na nasa gilid ng kwarto ng may humawi doon at lumabas ang isang babae. I would say she's in her 50's.

"Nay Eleanor!" Masayang bati sa kanya ni Irene.

Nakangiti sa akin 'yung tinawag ni Irene. May dala-dala rin siyang tray ng pagkain. 

She's Eleanor Moore. Another trusted servant of yours that takes good care of you since you're still a child. 

Kumurap kurap muli ako ng may lumabas na memorya sa aking isipan.

Apparently, this woman is the one who takes good care of me since I was a baby. Lagi kasing wala ang aking ama dahil isa siyang konseho.

So para pala siyang si Nanay Narissa.

Alam kaya ni Nanay na mangyayari ito? O hindi? 

Bigla ko tuloy silang naalala. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nina Mom kapag nalaman nilang wala na ako doon?

"Mabuti naman at gising ka na, my lady," nakangiting sambit niya sa akin.

Pinanood ko lang siya habang pinatong ang dala-dala niyang tray sa isang table na nasa gilid ng kama.

"Halina't kumain ka na, alam kong gutom ka na." 

Naalala ko tuloy sa kanya si Nanay Narissa.

Tiningnan ko naman ang pagkain na inihanda niya para sa akin.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon