Chapter 10

1.7K 72 4
                                    

Chapter 10

Irene's PoV

"Nakita mo ba 'yung kaisa isang anak ng ika-walong konseho?"

"Ah, oo! Nakita ko siya sa banquet kahapon!"

"Ako rin! Sobrang ganda niya nga sa personal! Wala akong masabi!"

"Ano kaya ang pangalan niya? Totoo nga, napakaganda niya."

"Maaliwalas ang kanyang mukha! Ang ganda din ng ngiti niya!"

Malaki ang ngiti na nakaguhit sa aking labi habang ako'y naglalakad dito sa pamilihan ng Korvus.

Aba! Baka my lady ko 'yang pinag uusapan nila! Sinasabi ko na nga ba, magiging paksa ng chismis dito sa Korvus ang pagdating ni Lady Dagmar.

Iba talaga ang chismis dito sa Korvus at mabilis iyon kumalat. 

Isa rin iyon sa kinatatakutan ko dito. Masyadong laganap ang chismis sa lungsod na ito at baka fake news ay machismis din. Hayy!

Nandito ako ngayon sa pamilihan ng Korvus. Sadyang napaka laki ng lugar na ito at maraming mga tao! Marami ka talaga pagpipilian dito kapag namimili ka.

Inutusan kasi ako ni Nay Eleanor na bumili ng ilang sangkap para sa aming tanghalian mamaya.

Kasabay ko din naman sina Lady Dagmar pero nandon sila sa pamilihan ng damit dahil bibili sila ng kimono para kay my lady.

Madali lang naman ako dito at sasamahan ko na din si Lady Dagmar doon.

Habang ako ay namimili ay biglang may sumigaw sa isang entablado na nasa gitna ng pamilihan. Dun kasi sinasabi ang mga importanteng anunsyo na kailangan ipaalam sa lahat.

"Isang napakagandang umaga sa mga mamamayan ng Korvus!" Paunang sigaw ng taga ulat na nasa entablado kaya tumingin lahat ang tao doon.

Pati ako napatingin na din doon.

Tumikhim muna ang taga ulat, "Darating na sina His Imperial Majesty, The Emperor and Her Imperial Majesty, The Empress sa makalawang araw matapos ang matagumpay na paglalakbay sa isa pang bansa na nasasakupan ng imperyo, ang bansang Yutanji."

Biglang nagbulong bulungan ang lahat.

Kung gayon, darating na pala ang mahal na emperador at mahal na emperatris sa makalawang araw.

Kaya pala abala si Master Olavus, darating na ang empress at emperor.

Kada buwan, laging naglalakbay ang mahal na emperador at emperatris sa iba pang bansa o lugar na nasasakupan ng imperyo.

Bale, anim na bansa ang nasasakupan ng Al-Uzza Empire.

Kaisa, kung nasaan kami ngayon.

Yutanji...

Tudaika...

Vettel...

Sadie...

At, Azumi...

***

Dagmar's PoV

Masaya akong nililibot ang aking paningin sa isang dress shop.

Nandito ako para kunin ang biniling mga kimono para sa akin ni ama.

Hindi naman gaanong karamihan ang nandito sa pamilihan na ito.

Ang daming naka display na mga kimono! Sobrang ganda ng design lahat! Hindi ko mapigilang mapangiti.

Ngayon lamang ako nakarating sa isang pamilihan na ganito.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon