Chapter 27
Dagmar's PoV
Masarap ang tulog ko sa unang gabi sa bahay ni Nay Olga. May kutson na pinahiram sa amin at pinatulog kami sa isang malaking kwarto. Nakatulog ako ng maayos at matiwasay.
Maaga ako nagising kinaumagahan. Nag hilamos muna ako sa isang lawa na nasa likod ng bahay ni Nay Olga at pagkatapos ay pumunta sa kusina. Nakita ko doon si Nay Olga na nagluluto para sa almusal namin kaya tinulungan ko naman siya.
"Oh, gising ka na pala iha..." Bati niya sa akin habang naghihiwa ng isda. "Magandang umaga, Dagmar. Maayos ba ang tulog mo?"
Tumango ako at ngumiti, "Opo, Nay Olga. Maayos po ang tulog ko dito. Magandang umaga din po," bati ko pabalik. Tumabi ako sa kanya, "Tulungan ko na po kayo, Nay. Ano po ang magagawa ko?
Tinulungan kong magluto ng almusal namin si Nay Olga. Habang naghihiwa ako ng isda ay bigla si Nay Olga nagsalita, "Tulog pa ba sina Archie at Ruben?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako, "Opo, Nay. Tulog pa po sila," sagot niya at pinagpatuloy ko naman ang paghihiwa ng isda.
Ilang minuto din ang nakalipas at nagising na din sina Master Ruben at Archie. Saktong sakto ang paggising nila dahil sakto ding naluto ang aming almusal. Sabay-sabay naman kami kumain ng almusal sa labas ng bahay ni Nay Olga. Nandun kasi ang malaking mesa at mga upuan.
Habang kumakain kami ay nagsalita si Nay Olga, "Anong balak niyo ngayon para sa misyon?" Tanong niya sa amin.
Tahimik lamang ako at nagsalita si Master Ruben, "Pupunta kami ng bayan ngayong umaga din para magtanong tanong doon. Iyon ang utos ni my lord," sagot ni Master Ruben.
Sumubo muna si Nay Olga ng isda bago umimik, "May kakilala ako na magaling na mangangaso sa Bastian. Sigurado akong alam niya ang pasikot sikot at tungkol sa bundok na iyon. Baka alam niya din ang tungkol sa herbal na iyon at kung saan iyon matatagpuan." Wika ni Nay Olga.
"Talaga, Nay?" Tumango si Nay Olga kay Archie, "Kung ganon, sa kanya na lang tayo mag tanong! Panigurado akong matutulungan tayo ng mangangaso na iyon. Ano ba ang pangalan ng mangangaso na sinasabi niyo, Nay?" Tanong niya.
"Si Hellion. Hellion ang pangalan niya."
"Sabihin muna natin ang tungkol dito kay my lord. Huwag tayong gumawa ng hakbang na hindi niya alam, magagalit siya panigurado. Ayaw niyang mauunahan siya," singit ni Master Ruben. Tama siya, kailangan nga muna nating sabihin ito kay my lord.
"Sige." Pagsang ayon ni Archie, "Nasaan ba si my lord? Ako na ang magsasabi!" Presenta niya.
"As if makikita mo naman agad si Ivor, Archie. Maghintay lang kayo dito. Paniguradong magpapakita siya sa inyo mamaya," wika naman ni Nay Olga.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila habang kumakain.
***
Akisha's PoV
Maaga akong nagising para puntahan siya. Gusto ko siyang kausapin. Paraan ng paraan ang araw at ang puso ko ay isa lamang ang sinisigaw... ang makausap siya. At sana... mapatawad ako. I hope I can fix the rift between us.
"Where are you going, Aki?" Napatingin ako sa ang likuran. There, I saw Caerus.
"Pupunta ako sa bayan, may bibilhin lang." I answered. "Do you need anything?"
"Samahan na kita," presinta niya.
I immediately shook my head, "Hindi na, Caerus. Ako na lang. Kaya ko naman mag isa." Wika ko.
"Are you sure?" He asked with concern in his voice, "Hintayin mo na lang si Louise magising. Or si Zira, ang personal servant mo. Sasamahan ka niya." He added.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...