Chapter 43

1.1K 54 0
                                    

Chapter 43

Archie's PoV

"Tanda! Huwag ka ng maarte! Kunin mo na 'yang patay na baboy!" Singhal ko kay Master Ruben na nag iinarte na naman. Nandito kami sa kagubatan at nangangaso. Makalipas ng ilang minutong pangangaso, may napatay na kaming isang baboy! Mukhang malusog at malaman ito kaya ayos na ayos. Ito ang magiging pagkain namin, masarap pa naman magluto si Nay Olga. Kaso ito namang si matandang pandak, ayaw naman kunin. Nag iinarte na naman.

Humalukipkip siya, "Ayoko! Kakaligo ko lang. Baka madumihan na naman ako. May mga dugo pa naman 'yan," apila niya. Umirap ako dahil sa kanyang sinabi.

"Tss. Arte mo talaga," bulong ko at hinila na ang baboy pabalik sa bahay ni Nay Olga. Sinabi ko na huwag munang maligo at mangangaso kami pero hindi nakinig! Talagang sinamahan niya lang ako. Haay!

"Teka nga!" Narinig kong wika ni Master Ruben sa likuran ko. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Nagmamasid siya sa paligid. "Ano na naman?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita at naglakad papunta sa ibang direksyon. Kumunot ang noo ko. "Tanda! Hindi dyan ang papunta sa bahay ni Nay Olga! Nakalimutan mo na ba?!" Sigaw ko sa kanya at sinundan siya habang hila-hila pa rin ang baboy.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko sa kanya at nilibot ang tingin ang paligid. Naging pamilyar naman sa akin ang daan na tinutunguhan namin. Teka, bakit papunta dito si Master Ruben?

"Hindi ba't malapit dito ang bahay nung kapitan? Ni Kapitan Ponce? Yung kapitan na makitid ang utak— este, Kapitan ng Estrella?" Wika ko. Muntik ng madulas ang bibig ko at masabi ang katotohanan tungkol sa kapitan ng bayan na ito. Tss. Bakit nga ba ang kitid ng utak non? May alam ding kanya eh, hindi naman tama ang kanyang alam.

"Sssh! Tumahimik ka, Archie. Baka may makarinig sayo," bulong niya sa akin. "Ang dami pa namang bantay nitong si Ponce!" Dagdag niya.

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko. Sinundan ko siya na magtago sa isang malaking damo. Tanaw dito ang malaking bahay ni Ponce, ang kapitan ng Estrella.

"Wala! Pakiramdam ko kasi... may binabalak na namang masama ito. Nakita ko kasi siya kahapon, Archie! Nakita ko siya kasama ang kanyang bantay sa may bahay ni Olga! At alam kong may binabalak siya at may gusto siyang gawin!" Natigilan ako sa binulong ni Master Ruben.

"At ano naman ang ginagawa ng kapitan na 'yan sa may bahay ni Nay Olga?" Hindi ko makapaniwalang bulong sa kanya. Nasisiraan na ba ng ulo ang kapitan na iyon?

"Iyon ang hindi ko alam, Archie! Kaya nandito tayo para—" Natigilan sa pagsasalita si Master Ruben ng may lumabas na dalawang kawal sa bahay ni Ponce. Agad kami nagtago pero rinig na rinig namin ang usapan nila.

"Ikaw na muna ang bahala mag bantay kay Miss Margot. Ako na ang sasama sa kapitan." Sambit ng isang kawal sa isa pa.

"Sige. Ano na naman ba ang binabalak ni kapitan?"

"Nandito kasi ang ikalawang prinsipe. At alam mo namang galit na galit ang kapitan sa prinsipe na iyon." Muli akong natigilan sa sinabi ng isa pang kapitan.

"Ano bang ginawa ng prinsipe na iyon sa kapitan?"

Nakita ko na nagkabit balikat ang isang kawal, "Hindi ko alam. Wala siguro. Alam mo naman ang utak ng kapitan. Basta't may makukuhang pera, gagawin niya lahat ng kanyang makakaya para makamit ang gusto niya."

"Bakit? May makukuha bang pera ang kapitan kapag ginawa niya ang binabalak niya sa ikalawang prinsipe?"

"Oo. Kaya gawin na lang natin ang gusto niya. Baka may makuha din tayong pera kapag nangyari iyon. Sige na, magpapakalat na kami laban sa prinsipe na iyon."

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon