Chapter 46
After 6 months...
Dagmar's PoV
Anim na buwan. Anim na buwan na ang nakalipas bago ang huli naming pagkikita, at anim na buwan na din ang nakalipas bago kami umalis sa Estrella at bumalik sa Korvus. It's been 6 months... Yet it still feels like yesterday. Mabilis. Mabilis talaga nagdaan ang panahon. How can time fly so fast?
I remember that night when I said my goodbye to him. Ang sabi niya... magkikita pa kami. He said it. At pinangako ko din sa sarili ko na hihintayin ko siya. Pero syempre, sa mga nagdaang buwan at araw ay hindi ko mapigilang isipin siya. Lalo pa't siya ay nasa bakbakan. Nakikipaglaban siya sa isang digmaan. I silently prayed every night that he'll be okay and the rest of his team. Sana... sana maging maayos ang lagay nila.
Kinabukasan ng araw na iyon ay umalis na kami. Naglakbay na kami papuntang Korvus. Noong panahon na iyon, hindi ko mapigilang magbalik ng tanaw. Parang kailan lang... naglalakbay kaming apat— nina my lord, ako, Archie, at Master Ruben sama-sama. I cherish those moments with them, kahit mahigit isang linggo lang iyon. I treasure all of them. I'm so grateful that I have the chance to experience it.
Pero bago iyon, pinilit namin na lumipat na si Nay Olga sa Korvus. Pinilit muna siya ni Master Ruben at Archie, para naman kahit papano ay hindi na mag isa si Nay Olga sa Estrella. Nay Olga agreed with the idea... but she's still reluctant about it. Noong nagtanong naman si Nay Olga kung saan sila titira at ang sagot naman nina Archie ay may bahay naman daw silang tinitirhan dito sa Korvus. They stay there. Ang sabi nilang dalawa ay bigay iyon sa kanila ni my lord. Mukhang ayaw din naman ni Nay Olga na magisa na lang sa Estrella at gusto siyang isama nina Master Ruben at Archie kaya tumulong akong pilitin siya. Masaya naman kami noong umoo si Nay Olga, para naman kahit paano, magkakasama pa rin kami dito sa Korvus!
Sumabay ako kina ama at Nay Maya sa karwahe pauwi. Samantalang kasunod lamang namin sina Master Ruben, Archie, at Nay Olga na nakasakay din sa isang karwahe. May isa pa lang karwahe na pagmamay ari ni Nay Olga kaya ayon ang ginamit nila. Masaya ako na pumayag si Nay Olga na sumama sa Korvus, we can't leave her there alone. I'm happy we could see each other from time to time at Korvus.
Mahigit ilang araw din ang lakbay namin sa Korvus. Nauna nga lang ang iba pa naming kasamahan, halos lahat sila nauna na sa paglalakbay. Nahuli lang kami ng ilang oras dahil nga hinihintay namin sina Nay Olga. But my father said it's okay. My father also said that the empress and the emperor's children should go first, lalo na't sabik na raw sila makabalik sa Korvus dahil gising na nga ang kanilang ina. If I were in their situation, I would be delighted too.
Pagbalik namin sa mansyon ay sinalubong kami nina Nay Eleanor, Irene, at iba pa naming kasamahan sa bahay. They all looked so happy when we got back. Niyakap nila ako ng mahigpit na mahigpit. I guess I made them so worried in my journey, but I assured them that everything's fine. Now, I'm glad to be back at the mansion. Pero syempre, hindi ko mapigilang aalalahanin ang nangyari sa aming paglalakbay. Everyday, I reminisce about all of it. Pinahahalagahan ko iyon ng sobra.
I sighed for the nth time and looked at the window in front of me. Nandito na naman ako sa aking kwarto dito sa mansyon ay nakatambay. Wala akong magawa ngayon. For the past months, nandito lang ako sa mansyon, minsan naman binibisita ako nina Astrid, Drake, even Master Ruben, Archie, and Nay Olga visited me here. Pero kadalasan, ako ang bumibisita sa kanilang tatlo sa kanilang munting bahay na malapit sa bayan.
Honestly, the past 6 months have gone quiet. I didn't even bother to visit the Korvus Palace.
Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. I guess I spaced out again. "Sino 'yan? Maari po kayong pumasok!" Ani ko at tumayo.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...