Chapter 5
Dagmar's PoV
Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon.
Halong kaba, excitement, takot? Hindi ko alam.
Basta hindi ako mapakali ng malaman na nandyan na ang ama ko sa mundong ito.
Naalala ko naman ang aking ama sa dati kong mundo.
Magkatulad lang ba sila? Ano kaya ang difference sa ugali nila?
Nang tumigil ang karwahe ay agad naman akong lumabas.
"Astrid, gusto mo bang pumasok?" Alok ko kay Astrid.
Tumango siya, "Oo. Gusto ko din makita si Master Olavus eh," saad niya.
Ngumiti ako, "Sige, tara na."
Sabay kami lumakad papunta sa pulang gate at agad kaming sinalubong ni Fred.
"Lady Dagmar at Lady Astrid, nandyan na po pala kayo," Yumuko siya bahagya.
"Nandyan na ba si ama, Fred?" I asked.
Tumango siya, "Opo, my lady. Nasa loob na po si Master Olavus. Hinihintay niya po kayo."
"Sige, salamat Fred."
Sabay kami ni Astrid pumasok sa tarangkahan. The coast is clear at sigurado akong nasa isa silang kwarto dito.
Lumabas naman si Irene sa isang kwarto na nasa kanluran. Ng makita niya ako ay agad siyang lumapit sa direksyon namin.
"My lady, nandyan na po si Master Olavus sa kanyang silid. Hinihintay niya po kayo," wika niya at tiningnan si Astrid na nasa tabi ko, "Nandyan po pala kayo Lady Astrid, pumasok rin po kayo kung nais ninyo."
Tumango lang kaming dalawa ni Astrid at sabay pumunta sa silid ng aking ama.
"Hmm, akala ko talaga bukas ang uwi ni Master Olavus..." Rinig kong bulong ni Astrid kaya napatingin ako sa kanya.
"Akala ko nga din," ani ko na lang sa kanya.
Ng makarating kami sa kwarto ni ama ay dahan-dahan binuksan ni Irene ang pintuan.
Tumambad sa akin ang isang lalaking nasa kanyang 50's... I think? Parang kasing edaran lang ni Nay Eleanor. He has black hair and chocolate eyes like mine. Siya ba ang aking ama sa mundong ito?
"Oh!" He shrieked and gently stood up. I was stunned for a moment.
Ang light lang ng aura niya. Masasabi kong isa siyang friendly na tao.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang ama ko sa dati kong mundo at dito.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. In this dynasty, hugging one person symbolizes how important that person is to you. Hindi lang basta-basta for comfort.
Napaka secured ng feeling sa yapos niya. I can't help but to hug him back.
"Kamusta ka na, anak?" He asked while stroking my hair.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Even his voice screams comfort, "Ayos lang po ako, ama."
Humiwalay naman siya sa yakap at tiningnan ang buo kong katawan, "Nasabi sa akin ni Nay Eleanor na muntikan ka na daw malunod?"
Eh? Sinabi sa kanya 'yun ni Nay Eleanor?
Napayuko ako. Lagot ako nito! Mukhang overprotective din ang ama ko dito.
Pero agad akong tumunghay ng hawakan ni Ama ang dalawa kong balikat at mukhang hindi naman siya galit.
"Huwag mo na 'yung uulitin ha? May tiwala ako sa'yo, Dagmar," nakangiti niyang wika sa akin.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...