Chapter 41

1.2K 72 3
                                    

Chapter 41

Maya's PoV

"Maya kumain ka muna. Ako na ang magtutuloy sa pagpupunas dyan sa empress," Narinig kong wika ni Sonia. Tumango ako sa kanya at inabot ang basang bimpo na ipinupunas ko sa empress. Hindi ko mapigilang tingnan ang empress kung saan hanggang ngayo'y wala pa ring malay. Nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama.

Her condition is stable now. Pero hindi talaga siya magigising kapag wala pa 'yung tamang herbal. Binabantayan namin siya ni Sonia dahil iyon ang utos sa amin. Nagulat na lang ako na may sumundo sa akin sa mansyon nina Master Olavus at inutusan na bantayan raw ang empress. At maging kay Sonia ganun din ang nangyari. This is an order from the emperor so we couldn't do anything but to follow it.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang nangyayari. It's obvious that Therese Bhavani lied about the medicine of the empress. And look what she did, everything became so messed up. Hinahanap ng mga batang iyon ang maling herbal na sinabi ni Therese. Though I've heard the emperor ordered them to stop. But still, their efforts became in vain. Lalo pa't nandito lang sa Korvus ang tamang herbal na hinahanap.

"Maya, nagtataka lang ako," I heard Sonia said out of nowhere. Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya, "Hindi pa rin ba pinapahanap ng emperor ang tamang herbal? Kahit nandito lang sa Korvus?"

Napaisip din ako. The whole palace has been quiet for the past few days. Walang iniutos sa amin ang emperor. The council remains busy as usual. Wala din naman akong narinig na maganda o masamang balita. Basta, tahimik lang ang palasyo sa nagdaang araw. And I don't know exactly what to feel about it. Tama si Sonia, maging ang tamang herbal ay hindi pa iniutos ng emperor. Wala pa siyang sinasabi sa amin tungkol don.

I sighed, "Hindi pa rin pinapahanap ng emperador ang tungkol sa herbal, Sonia. Maghintay na lang tayo sa utos ng emperador." Sagot ko na lamang. It's been days since we got here. Hindi ko akalain na kami din ang inutusan nila para bantayan ang empress. Hindi ko mapigilang tingnan si Adela, ang empress na ngayo'y wala pa ring malay at nanatiling nakahiga sa kanyang higaan. I can't help thinking about her condition.

I know Therese Bhavani. Isa siya sa magagaling na manggagamot at babaylan. Her name is actually popular here at Korvus because of her medicine skills. Magaling siyang manggamot ng kung ano man ang sakit. I remember when I was still a medicine student, isa na siya sa hinahangaan ko dahil sa taglay niyang galing when it comes to herbs and all. Kaya nakakapagtaka na sinabi niya ang maling lunas sa mismong empress. Sa mismong empress ng Al-Uzza Empire iyon ah? I can't help but to wonder. I met her several times before. At hindi siya ganito. Hindi niya tipo ang magsinungaling.

Hindi kaya... plano ito? Pero, ano? What exactly are her reasons to lie like this?

Nawaglit ako sa aking pag iisip ng biglang bumukas ang pintuan. Tumigil agad ako sa pagkain at dali daling tumayo at yumuko. Maging si Sonia ay tumigil sa kanyang ginagawa, agad rin siyang tumayo at yumuko katulad ko.

"Your imperial majesty..." Sonia and I greeted the emperor in unison.

"Magandang araw sa inyong dalawa," He greeted us. His voice is calm and deep. "Nandito lang ako para tanungin ang isang bagay. I guess it's the right time to know the truth about this." He added.

Dahan-dahan akong tumunghay. Nakita ko ang emperador na tinitingnan ang kanyang asawa. But there's something about his eyes. His eyes were serious and stoic while staring at the empress. I even noticed how his fists are clenched.

"Ano po ba ang iyong itatanong, your imperial majesty?" Magalang na tanong ni Sonia.

"Tell me... where to find the herbs that can make her conscious. My men will find it... now." He said with a serious tone. Nagkatinginan kami ni Sonia.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon