Chapter 38
Franco's PoV
"Alis na muna ako," Napatingin ako kay Rhianne ng magsalita siya. It looks like she's going outside because of her look. Tumingin naman siya sa akin, "You're quite. Something's bothering you," she stated.
I chuckled as I looked at her face. She's curious. Knowing this girl, sigurado akong gusto niyang malaman kung ano man ang iniisip ko. She wants to know everything she has to know, especially regarding around us.
"Princess, hindi mo na kailangan malaman ito," asar ko.
She just rolled her eyes at me and scowled.
"Fine!" Then she stormed out of the room. I chuckled because of her reaction.
Ng mag isa na lang ako ay lumabas naman si Eilson sa kanyang kwarto. Tumaas ang isa kong kilay ng makita ang isang papel sa kanyang kamay.
It looks like that's a letter. As far as I remember, nandito siya para imbestigahan ang nangyari na pagsabog noong nakaraang araw. Supposed to be, kaming tatlo ang magkakasama sa misyon, ako, si Rhianne, at siya.
"Hindi pa ba nalulutas ang nangyari sa pagsabog?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan siya sa pagbabasa at tumingin sa akin, "Nalutas na. Noong isang araw pa," he simply answered. Kumunot ang noo ko. If that is so, then how come no one told us? Oh well, wala na pala dapat akong pakialam don.
"Kung ganon, ano 'yan?" I asked.
He chuckled.
"Alam mo, pareho talaga kayo ni Rhianne. Bagay talaga kayo para sa isa't isa," he said while chuckling. I just glared at him.
"I'm serious. What is that? Love letter?" Pang aasar ko naman. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay.
"I don't have time for such," ismid na sagot niya. "May inuutos kasi si bossing."
Bossing? Kumunot muli ang noo ko. Sino ba ang bossing nito? "The second prince?"
He smirked, "Damn right. May inuutos siya sa akin tungkol sa nangyaring isa pang aksidente noong isang araw," nakangisi niyang sagot. Aksidente na nangyari noong isang araw?
Naglakad na siya papunta sa pintuan at binuksan iyon, "Alis na din ako. Kailangan ko ng tapusin ito. Masyadong importante kasi ito para kay bossing," he stated and stormed out of the room.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Masyadong importante para sa ikalawang prinsipe? Ang tinutukoy niya siguro ay 'yung aksidente ay... but that doesn't make any sense. Bakit importante iyon?
I just sighed and looked at the ceiling. I remember the last time I talked with that prince. At hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang nangyari noong araw na iyon. Napaka misteryoso talaga ng prinsipe na iyon.
"May kailangan lang akong kausapin," paalam ko kay Rhianne na nandito sa lobby ng inn. Tumayo ako sa upuan na ikinatingin niya. I bet gusto na namang malaman niya kung saan ako pupunta. She's really a curious lady, ay hindi pala. Chismosa talaga siya.
"Sino?" She asked curiously. I chuckled. Sinasabi ko na nga ba.
"Wala," I answered and went directly outside the inn. I heard she's still calling my name pero hindi ko na siya pinansin pa.
May kailangan akong kausapin. Kailangan kong makausap ang taong ito. Pakiramdam ko kasi... may alam siya. At iyon ang gusto kong malaman.
Tumigil ako sa paglalakad at nagisip muna. Saan ko ba siya makikita? We are not close, ni isang beses hindi ko pa nga siya nakakausap eh. That prince is very cold and hard to everyone and everything around him.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...