Chapter 28
Dagmar's PoV
Pagbalik ko sa bahay ni Nay Olga ay nakita ko silang tatlo na nakatambay ulit sa labas ng bahay. Kita ko kung paano nakahalukipkip si Master Ruben at nakakunot ang noo.
"Tss! Bakit pa kailangan mainwan silang dalawa? Ano bang sasabihin ni my lord don sa babaeng 'yun at hindi natin pwedeng malaman?" Narinig kong sambit ni Master Ruben.
Sakto namang malapit na ako sa kanilang pwesto kaya napatingin siya sa akin.
Tinaasan ako ng kilay ni Master, "Oh? Anong ginawa niyo ni my lord?" Tanong niya agad. Napatingin naman sina Archie at Nay Olga sa direksyon ko.
Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan, "May sinabi lang si my lord," sagot ko.
Kumunot naman ang noo ni Master Ruben, "Ano? Tungkol saan—" Naputol ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Nay Olga sa usupan.
"Ano ka ba, Ruben. Huwag mo ng tanungin ang bagay na iyon," natatawang ani niya.
"Oo nga, tanda! Huwag mo ng tanungin si Dagmar. Pinaalis tayo diba? Edi ibig sabihin para sa kanilang dalawa lang 'yon!" Singit ni Archie tapos kinindatan ako.
"Tsk!" Master Ruben looks displeased. Nanatili siyang nakatingin sa akin at parang gusto niya pang magtanong sa akin pero hindi na siya umimik pa.
Nagkwentuhan lang silang tatlo. Kung ano-ano ang kinukwento nila sa isa't isa at ako naman ay tahimik na nakikinig lang. Pero syempre, naimik naman ako kapag tinatanong ako. Tungkol sa kung ano-ano ang kinukwento nila. Napangiti ako. Masaya silang kasama.
After that, kinuha ko ang tela sa bagahe ko at sinimulang labhan iyon. Nakanguso na lang ako ng maalala na dapat ay nilabhan ko na din ito kahapon pero nakalimutan ko. Tiningnan ko din ang damit kong nilabhan kahapon at napangiti ako ng makitang ito'y tuyo na! Agad ko iyong tiniklop ng maayos at nilagay sa bagahe ko.
"Makapal kapal pala ang telang iyong lalabhan, iha. Huwag kang mag alala, sigurado akong tuyo ito bukas. Matindi ang init dun sa sampayan," wika sa akin ni Nay Olga na nasa gilid ko. I think maglalaba rin siya.
Ngumiti ako at tumango. We started doing the laundry. Medyo nahihirapan ako dahil makapal kapal ang tela na ito. Instead of using fabric conditioner like in the modern world, ang ginagamit dito sa mundong ito ay parang gel na mabango, nakakapagpabula rin ng tubig. I think herbs ang ginagamit dito.
"Ano ang pangalan ng nanay mo, iha? Matanong lang sana," Nay Olga said out of nowhere. Napatigil naman ako.
"Dina po. Dina Ghislaine," sagot ko. I felt my heart shut a little bit. I don't know if this feeling is supposed to be for mine or for the real owner of this body. I think we are both longing for our own mother. Natigilan muli ako ng may narealize...
This is not my body. I'm not the owner of this. Bakit feeling ko... unti-unti kong tinatanggap ang mundong ito? For me, my other world and this ancient world are vastly different. Ibang iba sila sa isa't isa. Hindi lang sa pananamit, kultura, pagkain, at kung ano-ano pa, pero dahil sa mga na experience ko. Ibang iba sa dati kong mundo...
Am I selfish? Am I selfish for feeling this? Selfish na ba ako at masaya na ako sa mundong ito at hindi malungkot dahil sa mga naiwan kong pamilya sa dati kong mundo? Parang dati lang, gusto kong bumalik sa dati kong mundo, sa dati kong tahanan, pero ngayon...
"Ahh, naalala ko na. Tama, si Mistress Dina Ghislaine ang asawa ni Master Olavus Ghislaine," wika niya kaya nabalik ako sa realidad. "Oo nga pala, your mother died because of severe sickness na hindi agad nagamot."
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...