Chapter 8

1.7K 91 0
                                    

Chapter 8

Dagmar's PoV

Outside the palace shouts luxury. Paano pa kaya kapag nakapasok kami sa loob? 

May mga nagkalat ding tao sa labas ng palasyo. 

Kitang kita ko dito sa aking pwesto kung gaano kalaki ang palasyong ito.

Bahagya naman akong napayuko. 

Halos lahat kasi ng nadadaanan namin tumitingin sa direksyon ko. Ano bang nangyayari?

"Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita."

"Ngayon ko lang din siya nakita."

"Siya siguro 'yung anak ng ika-walong konseho!"

"Talaga? Sobrang ganda pala niya sa personal! Bakit ngayon lang siya nagpakita?" 

Hindi ko na pinakinggan ang bulong bulungan sa paligid. Hindi naman tama ang pakikinig sa usapan ng iba hindi ba?

Dahan-dahan akong tumunghay at hindi na lamang pinansin ang nangyayari sa paligid. Tiningnan ko na lang ang buong lugar kung nasaan ako ngayon.

Nakatapak na kami sa mismong entrance ng palasyo. 

Malaki ang pintuan ng palasyong ito. Sobrang ganda rin ng mga design dito at talagang nakakamangha! Hindi ko akalain na makakapunta ako dito sa ganitong lugar.

"Mukhang magsisimula na ang banquet..." Narinig kong bulong ni Irene sa likuran ko.

Pumasok na kami sa palasyo. Halos mapanganga ako nang makapasok kami. Sobrang ganda! As in!

Pero bigla akong kinabahan nang makita na halos lahat ng tao na nasa silid na ito ay tumingin sa direksyon namin. 

May narinig din akong mga bulungan pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Naglakad si ama kasunod si Columbus papunta sa unahan kaya sumunod naman kami.

Tumingin ako sa paligid. Maraming mga table sa paligid at mga upuan. Ngayon ko lang din napansin na marami rin palang tao dito sa silid na ito.

Nadako naman ang aking paningin sa unahan. Tuloy-tuloy lang sina ama naglalakad kaya nakasunod lang kami sa kanya.

Lahat ng tao dito pinapasadahan ako ng tingin. 'Yung iba nga napapanganga pa. Bakit kaya? Sabagay, ngayon lang siguro nila ako nakita.

Tumingin ulit ako sa unahan nang mapansin may dalawang tao ang nandoon.

Nakaupo sila sa isang engrandeng upuan na kulay ginto.

May kawal din sa kanilang tabi.

Nakaupo ang isang babaeng may katandaan na na may kulay puting buhok at berdeng mga mata at katabi niya naman ay isang dalagang may kulay puting buhok at gintong mga mata.

Parehas silang nakatingin... sa akin? 

I gulped again for the nth time.

Hindi kasi ako masyadong komportable. Marami kasi ang mga matang nakatingin.

Ng makapunta kami sa may bandang unahan ay bahagyang yumuko sina ama sa dalawang babae na nasa harapan namin kaya yumuko rin kami.

"Magandang araw po, Her Majesty The Empress Dowager..." Rinig kong bati ng aking ama.

Empress Dowager? So ang isa sa babaeng nasa harapan namin ay 'yung Empress Dowager.

"Ikinagagalak kitang makita muli, Olavus." Bati ng Empress Dowager sa kanya. Maging ang kanyang boses ay sosyal. 

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon