Chapter 17

1.4K 75 3
                                    

Chapter 17

Carmela's PoV

"Pinapatawag na ba kayo?" Tanong sa amin ni Morgan. Nandito kami sa Qing Cottage at tumatambay. Wala naman kasing ibang gagawin eh. Maaga pa lang ngayon at kakain lang namin ng almusal. 

Kahapon naganap ang pagpupulong at aksidente na nangyari sa empress.

Umiling ako at sumandal sa sofa na inuupuan ko, "Hindi pa ako." Sagot ko. 

Ang kagrupo ko dito sa misyon na ito ay sina Princess Shreya. Kasama ko din si Reagan. The first time I participated in a mission, I received colored orange paper. Which indicates na makakasama ko si Shreya. Ganun din ang natanggap ni Reagan.

"Pinatawag na ako ni Prince Drake kanina, sa pangatlong araw na daw kami magsisimulang maglakbay," sambit naman ni Denzyll.

He received amber colored paper back then. So, si Prince Drake ang kasama niya. Sa pagkakaalam ko si Denzyll lang ang anak ng mga konseho na kasama siya.

"Same here, pinatawag na din kami ni Maia ni Prince Remi. Parehas lang din ng sa inyo, Denzyll. Sa pangatlong araw na daw kami aalis at kailangan na naming maghanda," wika ni Morgan. Yeah right, magkakasama pala sila. Magkasama sina Maia at Morgan.

Napatingin ako kay Akisha na tahimik lang sa isang tabi, "Akisha pinatawag ka na ba ng crown prince?" Tanong ko.

Parang bumalik siya sa reyalidad at tumingin sa akin. Mukhang malalim kasi ang iniisip niya, "U-Uh, mamaya. Mamaya pa kami maguusap ng crown prince." Sagot niya.

Kagrupo niya ang crown prince at kasama niya din si Louise. Naalala ko na maraming nag aakala pati na din umaasa na si Akisha ang magiging asawa ng crown prince at magiging susunod na empress. 

Pero...

"Teka lang ha! Nababahala ako. In fairness, binigyan na ng kagrupo ang ikalawang prinsipe." Bilang singit ni Carter. If I'm not mistaken si Prince Dark naman ang kasama niya sa misyon.

Bigla ko na namang naalala iyon. Napailing na lamang ako. 

"Maging ako, nagulat ako ng makita ang kulay ng papel na natanggap ni Dagmar. Psh! Hindi ba parang... masyadong delikado para kay Dagmar?" Wika ni Denzyll.

"Yun din ang iniisip ko. Kawawa naman siya. Alam nating lahat at maging sa bawat mamamayan ng Korvus ang mga krimen na nasangkot niya." Sambit naman ni Louise. 

"Pero unang pagkakataon ito... Sino kaya ang nag utos noon?" Tanong ko.

Reagan shrugged, "Hindi ko alam. Wala akong ideya. Imposible namang mga konseho, baka siguro senior member of the imperial family," sambit niya. "Hindi rin ako sigurado kung bakit ginawa 'yun. Hindi dapat siya na kay Ivor. She looks innocent too." Dagdag pa niya.

"Nag aalala ako sa kanya. Kawawa naman siya at sa ikalawang prinsipe pa siya mapapasama. Sigurado akong magiging mahirap ang misyon para sa kanya." Sambit pa ni Louise at tiningnan si Akisha na nasa tabi niya.

"Bakit ba kayo nagaalala sa babaeng 'yun?" Malamig na turan ni Maia kaya napatingin kami sa kanya.

"Sabagay... she's right. Hayaan na natin 'yun. That's none of our business. Kung mapahamak man ang babaeng 'yun sa misyon, wala dapat tayong pakialam dun," sambit ni Franco. 

Humalakhak si Eilson kaya nabaling ang paningin namin sa kanya. "You guys are funny. Stop being too worried for her," Natatawa niyang ani.

"Hindi ka ba nagaalala? Nababahala ako para sa kanya, Eilson. She's still new here. Baka mapahamak siya," wika ni Akisha habang nakatingin kay Eilson.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon