Chapter 31
Dagmar's PoV
"Dagmar! Tara na sa bahay noong Hellion na 'yun!" Narinig kong sigaw ni Archie mula sa labas kaya agad akong nagmadali sa pagsusuklay ng aking buhok at dali daling lumabas ng bahay ni Nay Olga.
"Tara na," utos ni Master Ruben at nagsimulang maglakad papalayo. Nauuna si Master Ruben at kasunod naman kami ni Archie. Pupunta na kami sa bahay ng mangangaso na sinasabi ni Nay Olga na makakatulong sa amin sa paghahanap ng herbal sa Bastian.
Pero laking gulat naming tatlo ng sumulpot si my lord sa harapan namin! Bigla na lang siyang lumitaw sa harapan namin galing sa puno. May kailangan ba siya?
"My lord..." Yumuko kaming tatlo.
Here goes my heart again. Talagang iba ang nararamdaman ko kapag nandyan siya. Tanging presensya niya lang ay nakakapagpa aliw sa puso ko. May sakit na ba ako? Kailangan ko na bang magpatingin sa doktor? Hindi ko talaga maintindihan ito.
"Nevermind, change of plans," panimula nito sa amin, with his cold tone of course. Napansin kong iba ang suot niya ngayon, he's wearing a black kimono. Napalunok ako. Simple lang ang suot niya pero litaw na litaw ang kagwapuhan niya. "Huwag na kayong pumunta sa mangangaso na 'yon," mariin na utos niya sa amin.
Nagtaka naman ako, maging sina Master Ruben at Archie ay kitang kita ko ang pagrehistro ng matinding pagtataka sa mukha nila.
"P-Po? Bakit naman po, my lord?"
"The whole thing is a trap," sagot niya na hindi ko naman naiintindihan, "Kaya huwag na kayong pumunta doon. Naiintindihan ba ako?" Matigas na tanong niya sa amin.
Kahit nagtataka ay kami'y tumango. "Good, I'm expecting all of you to follow my orders," 'Yan ang huli niyang sinabi sa amin bago naglakad muli papalayo. Parang nakahinga ako ng maluwag ng makalayo siya, I don't know why but I feel suffocated when he's around me. At iyon ang pinagtataka ko ng sobra.
Tumingin naman ako sa mga kasamahan ko at kitang kita ko ang pagtataka sa mukha nila. "Bakit naman tayo hindi na pinapunta doon?" Agad na tanong ni Master Ruben.
Yun din ang tanong ko. Bakit hindi na kami pinapunta sa bahay ng mangangaso na 'yon? May plano ba si my lord? O baka may naiisip siyang iba?
Archie shrugged, "Hindi ko alam. Pero mas mabuti na lang na sundin natin si my lord." Sambit niya sa amin. Siguro nga may iniisip si my lord... at mas mabuti ngang sundin na lang namin siya.
"Babalik na ako sa bahay ni Olga, kayo ba?" Tanong sa amin ni Master Ruben. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naglalakad na ito pabalik sa bahay ni Nay Olga.
"Ako din," wika ni Archie at tiningnan ako, "Ikaw, Dagmar?"
"Una na kayo, pupunta lang ako sa bayan," sagot ko. I have this urge that I want to visit Astrid there.
Tumango na lang sila at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay ni Nay Olga. Ako naman ay dumiretso papuntang bayan para bisitahin si Astrid. Tutal wala naman akong iba pang gagawin kaya mas mabuting bisitahin ko na lang ang kaibigan ko.
Pagdating ko sa bayan ay marami rami na ang tao na nagkalat. Napaisip naman ako kung saan ko pwedeng hanapin si Astrid. Baka sa inn? Baka nandun siya sa inn nila tutal maaga pa naman. Nasabi din niya kasi sa akin noong isang araw na sa inn sila nag iistay at natutulog eh.
Napapansin ko na may mga taong tumitingin sa direksyon ko. May napapansin din akong bulungan ng ibang tao habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa inn nina Astrid.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...