Chapter 11
Denzyll's PoV
Nandito kami sa Qing Cottage, isang cottage nakalaan para sa mga anak ng mga konseho.
Nandito kami para mag relax, maglibang, o di kaya nama'y magpulong. That is the purpose of this cottage.
Nakaupo ako ngayon sa sofa habang tinitingnan si Carter at Morgan na naglalaro ng baraha.
As usual, kaming lima lang ang nandito. Ako, si Carter, Morgan, Carmela, at Maia.
Si Carmela ay busy sa pagsusuklay ng kanyang buhok habang nakatingin lang ng diretso si Maia habang naka krus ang kamay sa dibdib.
"Darating na raw ang mahal na emperador at mahal na emperatris bukas..." Wala sa sariling sambit ko.
"Yeah, sinabi rin 'yun sa akin ni ama kanina lang," wika ni Carmela.
"Tss! Masyadong napapadalas ang paglalakbay ng emperor at empress noong nakaraang buwan, sigurado akong may malaking krisis na nangyayari sa imperyo." Sambit naman ni Morgan.
Tama siya. He has a point on that.
Napatingin ako kay Maia na tahimik lamang na nakaupo sa sofa. Ang kanyang ama ay ang nasa ikalawang pinakamataas na posisyon ng konseho dahil wala ngayon sa lungsod si Master Frodo, ang punong konseho.
"Pero alam niyo na ba kung ano iyon? Wala pang sinasabi sa amin si ama..." Sambit naman ni Carter.
Napaka chismoso talaga nito.
"Wala pang sinasabi sa akin si ama," tanging sagot ko.
"Nakapagtataka... Maging ang ama ko ay wala pa ring sinasabi." Saad ni Morgan habang nagbabalasa ng baraha.
"Ganun ba 'yun ka secretive?" Tanong ni Carmela.
I just shrugged. Hindi ko alam kung ano ang krisis o isyu ang hinaharap ngayon ng emperador at emperatris kung bakit sila napapadalas ang paglalakbay.
"O di kaya nama'y pati ang ating mga ama ay wala ding mga alam..." Napatingin kaming lahat kay Maia ng sabihin niya 'yun.
"That's imposible! Bakit naman magtatago ng isyu ang emperador at emperatris sa mga konseho?" Asik ni Morgan.
Hindi na lamang umimik si Maia.
Knowing her, she always observes things around her. Lumaki kaming lima ng sabay. Well— I must say, all of us grow up together. 'Yung mga anak ng konseho pati ang ibang miyembro ng imperial family na kasing edaran lang din namin.
"Pero alam niyo ba?" Napatingin naman kami kay Carter.
"Ano? Chismis na naman 'yan ano?" Tanong ko.
He smiles sheepishly. "Kind of. Usap usapan sa buong lungsod si Dagmar. Wala lang, gusto ko lang sabihin sa inyo." Wika niya.
Ahh, expected ko naman 'yun. Unang kita ko palang sa kanya alam kung pag uusapan na siya. Just knowing the fact that this is her first time stepping on the city is really worth gossiping for.
"Ang ganda talaga ng babaeng 'yun... Hindi ako makagetover," Biglang sabi ni Carmela.
She's right. That girl is indeed very pretty.
"Ikinagagalak ko naman na nandito na siya sa Korvus. She's in the perfect time! Papauwi na ang mahal na emperador at emperatris at alam kong may gagawin na naman tayo. Edi makakaranas din siya ng gawain natin!" Wika ni Carter.
He's right there. May gawain din kami biglang anak ng mga konseho. Kumbaga we are the helping hand of the imperial family.
Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at tumambad sa amin ang isang babae.
BINABASA MO ANG
Modern Lady in Ancient Dynasty
Historical FictionDagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wish for. But deep inside, she knew something's missing and she's longing for it. Despite having every...