Chapter 53

1K 43 7
                                    

Chapter 53

Dagmar's PoV

My jaw dropped because of what Nay Maya had revealed to me. Muntik ko pang mabitawan ang baso na hawak-hawak ko matapos kong marinig ang sinabi niya sa akin.

"Totoo po, Nay?" Hindi makapaniwalang sambit ko, "A-Anak niyo po si Maia?"

Ngumiti ng maliit si Nay Maya sa akin. She even chuckled a bit because of my reaction. Talagang nagulat ako. Hindi ako makapaniwala na anak pala ni Nay Maya si Maia.

Now that rings the bell. They have the same name but a different spelling. Napapansin ko na 'yun noon pa pero iniisip ko na coincidence lang 'yun. Now, it makes so much sense!

"Pasensya ka na my lady at nagsinungaling ako sa inyo noon tungkol sa anak ko," She looked away, "Mas gusto ko kasi na wala masyadong marami ang nakakaalam tungkol doon..."

Oh, I think I remember that. Tinanong ko nga pala noon ang tungkol sa anak niya, and she gave me a different answer. I smiled kindly at her. Talagang nagulat ako doon, I can't believe the ties are like this!

Naiintindihan ko naman 'yung sinabi ni Nay Maya. At isa pa, in terms like this, I have no right to be mad at her for lying. It's a sensitive topic and I understand her situation. Hindi biro i-open ang topic na katulad ng ganito.

I'm refraining myself not to bombard her with questions. It's a sensitive situation and I don't want to cross the limit. Nay Maya looked sad. At ngayon ko napagtanto na may mali sa nangyayari. She is her mother but she's not here with her. It looked like there's some problems...

I bit my lower lip. I can't imagine how that felt. Hindi ko maimagine ang nararamdaman ni Nay Maya na hindi niya kapiling ang kanyang anak. And what more for Maia? No wonder, she's cold as ice. I can't imagine the feeling of not being beside your own mother.

Well... I think I can imagine it as well. Hindi ako taga rito. Alam kong iyon ang totoo. And my true mother... She's in another world. Sadness crept within me. Kumusta na kaya si Mom?

I'm really starting to think that I'm a selfish person. How can I feel comfort here when I have my own family that was left behind?

I heaved out a sigh.

Nandito kami ngayon sa kusina ng mansyon. Busy si Nay Maya at mukhang nagawa siya ng medisina. Baka nagpapahinga sina Irene at Nay Eleanor. Nandito ako ngayon kasama si Nay Maya para pangpalipas oras.

"Nga pala, nasa palasyo ang iyong ama, Dagmar." Nay Maya said to me. Napaangat tuloy ako ng tingin, "Mamaya din namang hapon ang dating niya."

Nasa palasyo si ama?

Tumagal ang tingin ko sa harapan. Nasa palasyo si ama... edi ibig sabihin, ito ang unang pagkakataon na makatapak ng palasyo matapos ang nangyari noong nakaraang araw. Magiging maayos kaya ang lahat doon? I know... I know the whole palace knows it already. At alam kong malaki ang posibilidad na madamay si ama.

His only daughter got involved with the second prince of the palace— of the empire. What if he got bombarded with questions? What if it affected his duty? What will happen?

I also imagine what will happen if I step in the palace. Alam kong iba ang magiging tingin nila sa akin matapos ang nangyari. They will not look at me the same as they looked at me before.

Nay Maya noticed my expression. Tumingin siya sa akin ng sandali. She looked at me solemnly.

"My lady, huwag kang mag alala. Ayos lang ang lahat." She gave me a smile.

I returned that smile. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ako magiging kampante. Hindi ko alam. Pakiramdam ko... may posibilidad na mangyari ang hindi ko inaasahan. Hindi inaasahan ng lahat. Iba na ang kutob ko.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon