Chapter 19

1.3K 77 2
                                    

Chapter 19

Drake's PoV

I already heard about the news at ngayon hindi ako mapakali.

Bakit? Bakit 'yun ginawa?

"Your imperial highness, malapit na po tayo." Wika ni Calvin na nakaupo sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim. Pupunta ako sa mansyon nila para ikumpirma kung totoo nga ang balita.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang tungkol dito. Kanina ko lang nalaman dahil sinabi ni Denzyll sa akin kanina at hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya.

Pero... bakit? Bakit isinama pa siya kay Ivor? Sigurado akong magiging delikado para sa kanya. At sigurado ako na pababayaan lamang siya ni Ivor na wala talagang pakialam kahit kanino.

Alam ko naman kung saan ang mansyon nila dahil katapat lamang ito ng mansyon na tinitirhan din ni Dark.

"My prince, we have arrived at Prince Dark's mansion," I heard Calvin announce as the carriage stopped.

Tumango ako. Naunang lumabas si Calvin na agad ko namang sinundan.

"Tatawagin ko po sa loob kung nandoon po si Prince Dark."

"No need."

"P-Po?"

Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso maglakad papunta sa mansyon nina Dagmar. Dali-dali naman akong sinundan ni Calvin.

"My prince! Bakit po kayo dyan pupunta?"

"Hindi ko naman sinabing ang pakay ko dito ay kausapin o bisitahin ang kakambal ko, Calvin," mahinahon kong saad.

"Po? Kung ganon, bakit sa mansyon nina Master Olavus ang iyong punta, my prince?" Tanong niya pa.

"I just want to check on someone." Wika ko saka tumigil sa harapan ng tarangkahan ng mansyon.

Nakita ko na nanigas sa kinatatayuan ang bantay na nasa harap ng mansyon bago yumuko.

"Y-Your imperial highness..."

"Magandang araw," Bati ko. "Nandyan ba si Dagmar?" Tanong ko.

Nagulat ako ng umiling ito habang nakayuko pa rin.

"My apologies, prince. But my lady is not here anymore."

Kumunot ang noo ko, "What do you mean?" Tanong ko.

Pero may narealize ako bigla. Shit...

"Nakaalis na po sila, prince. Sinundo na po si Lady Dagmar kaninang madaling araw sa utos ng ikalawang prinsipe para magsimula sa kanilang paglalakbay para sa misyon."

Damn it! I'm late! I should've done something!

Don't worry. I won't let you be in danger, Dagmar...

***

Galvin's PoV
(7th imperial council & Chen's father)

"Nandito na ba ang lahat?" Panimula ng emperor ng makarating siya sa silid kung saan gaganapin ang pulong sa pagitan ng mga konseho at iba pang miyembro ng imperial family.

Bukod sa 12 na konseho, nandito din sina Prince Vernon, Prince Valdez, at si Crown Prince Caerus. Hindi mawawala ang emperor syempre.

"We are now complete, your imperial majesty." Sagot ni Frodo (1st imperial council/high council & Reagan and Akisha's father)

Tumikhim muna ang emperor na nasa unahan ng silid, "Ano na ang balita sa inuutos ko sayo, Vernon?" Tanong nito sa kanyang kapatid.

"It's all clear." Sagot naman nito.

Modern Lady in Ancient DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon