Fuck padayon

3 0 0
                                    

Sumisikat na ngayon ang salitang ilonggo na"Padayon" bilang motivating words sa mga facebook pages at sa twitter.

Wala lang. Pang-content. Gusto kasi ng mga tao, positive. Maganda tignan sa timeline sakaling may nagso-stalk sa'yo. Or kahit nga minsan kahit ikaw lang nagso-stalk sa sarili mo.

Bentang-benta naman, syempre kasi maraming pagod sa mundo, eh. Daming pinagdadaanan.

May iba naman, genuine ang intention.

In this world full of negative vibes kasi, some people want to be the light, to give hope to fellow people, and that is understandable. The Hero Archetype in them is alive. Can't blame them.

Ako, like nang like. Okay naman. Pero hindi ko magawang i-share. Deep inside, parang hindi ganun ka okay. May hindi natutumbok ang mga post na Padayon.

Siguro kasi, naniniwala ako sa balanse ng buhay at ng mundo. Negativity exists for various reasons just like how positivity exists for many reasons that we create.

Padayon.

Magpatuloy.

Hanggang kailan?

Kelan dapat magpatuloy?

Baka Sige lang Tayo nang sige tapos mali pala ang bira. So, napagod Tayo sa wala?

Ang energy ng tao ay limitado katulad ng lahat ng bagay dito sa mundo na finite. Lahat nauubos. Kaya, kailangang gamitin natin ito wisely hindi iyong sige lang nang sige. Kabobohan.

Calculate. Mag-isip. Magplano. Ano ang mga factors na maaring makaapekto? Ano ang pagkukulang? Ano ang dapat gawin?

Life is about timing din.

May oras para mag go. May oras para mag wait (slow). May oras para magstop. Meron ding dapat magre-route na. Katulad non, may Panahon para magpadayon. May panahon para mag fuck padayon, ayoko na. Iba na lang. Tama na.

Mayroong padayon na may kahihitnang maganda. Mayroong ding padayon na para la lang tanga, naghirap sa wala.

Huwag ipilit.

Counterintuitive. The more you push, the more it runs away. Parang pusa rin.

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon