New year. Pero bago ako matulog, nagphilosophize nanaman ako tungkol sa mundo. Kung saan saan lumilipad yung utak ko. Hanggang sa napunta nga ako sa topic na kasamaan or evil.
Nakagawa siya ng kasalanan. Ang kasalanan ay masama. Masama na ba siyang tao?
Hmm. Para sa akin ay hindi.
Ang taong nakagawa ng masama ay iba sa taong masama.
Alam niyo ba kung ano ang pinagkaiba ng masamang tao sa taong gumagawa ng masama?
Nagugulahan ka ba?
Pwes, hayaan mong ipaliwanag ko sa'yo at ng maliwanagan ka.
Ang tao ay ipinanganak na may inner badness at goodness. Ang badness ay nanggaling sa selfish desires ng tao for survival like for example, kapag gutom tayo, gagawin natin lahat para makakain. Ganon. Tapos pag naagawan, magagalit. Or di kaya yung mga thoughts natin na parang gusto mo manakal o makasakit ng tao makaganti lang sa sobrang inis o galit o selos mo.
Ang inner goodness naman ay ang innate na characteristic nating mga tao na nagiging foundation ng ating mga morals. Like diba, innate sa atin na maawa? Na makaramdam ng nararamdaman ng iba? Yung Compassion, yung guilt din, at marami pang iba.
Ito yung mga characteristic natin na nag-uudyok para tayo ay lumapit sa mga tao,isipin ang kapakanan ng kapwa tao at isantabi ang mga selfish desires.
Wala namang perfect.Half breeds tayo kumbaga. May part ng self na good, may part rin na bad. Depende sa kung paano mo na rin i-handle. There's no absolute good or bad.
Ngayon, anong konek?
Kapag ang tao ay nakagawa ng kasalanan, natural lang iyon dahil part na iyon ng pagiging tao. May mga pagkakataon talaga na nananaig ang innate selfish desires natin. Bugso ng damdamin. Ganun. (Pero hindi ito excuse para gumawa ka ng kasalanan ha? Baka sabihin mo, pagkatapos mo makapang rape sabihin mo: "Ay sorry tao lang!" Gago ka ba? Hahaha. We have to control ourselves, people. )
Pero pagkatapos mong makagawa ng kasalanan, pinagsisisihan mo yun. Kung pwede lang ibalik ang oras para i-undo, gagawin mo na. Nagso-sorry tayo. Itinatama ang pagkakamali. Nakakaramdam tayo ng remorse sa kapwa bilang tao.
Kasi kung ang pagbabasehan lang natin kung paano ika-classify ang mga tao as either good or bad is ang bilang o bigat ng mga ginawa nilang kasalanan, edi lahat tayo, masama? Diba? Kasi lahat ng tao may kasalanan.
Ilang beses ka na bang nagsinungaling? Nasubukan mo na ba mangupit? Mangopya?
Lahat ng iyan ay mga kasalanan. So, masama ka na bang tao niyan?
Diba hindi ka naman nili-label na masama? It's because you are not. What you DID is BAD. NOT YOU. NOT YOUR PERSON ITSELF.
Ahhhhh~ (Insert nag light bulb ang ulo mo. Now you know?)
Samantalang ang taong masama, ay yung tao lang ang itsura pero walang ka innate goodness sa katawan, utak, at puso. For short, mga demonyong pinababa sa lupa na nag-anyong tao ang peg. Yung as in, wala talagang awa sa kahit na kanino. Walang pagsisisi. Walang pakealam talaga makapaghasik lang ng lagim. Lahat ng tao sa paligid niya palagay niya ay hayop. As in walang kapamilya-pamilya o minamahal to. Incapable of experiencing loving and caring happiness, joy, etc. WALANG WALANG PAG-ASA NA MAGBAGO. Hindi nata-touch ng kahit na anong strategy. Pure evil kumbaga.
Now you know?
Vote. Comment. Share!
Mwaaaa
BINABASA MO ANG
Twisted thoughts
DiversosThe writer is twisted. Bear with it. A twisted mind writes unique thoughts.