Kapag sumakay ka ng pampasaherong sasakyan at naningil nang sobra ang driver , ganito lang mangonsensya.
Driver:Ga, kulang ang bayad mo.
Sagot: Tama lang yan Kuya.
Driver: Kulang to. dagdagan mo .
Sagot: Kulang? Paano yan magiging Kulang eh ang sabi sa fare matrix 12 lang ang pamasahe papunta dito?Driver: Ga, kapag galing ka sa downtown , ganito.Ako ang lugi sa bayad mo. Tanungin mo pa siya(naghahanap ng kakampi from the audience dahil feeling niya matatalo na siya) Bente ang bayad dito.
Ang sagot: At bakit siya ang tatanungin ko? Bakit, siya ba ang gumawa ng fare matrix? Oh baka naman , gumagawa ka ng sarili mong matrix? !
Driver: (magpupimilit)
Sagot: BAKIT BA LAGI KAYONG MGA DRAYBER NANININGIL NANG SOBRA HA? BAKIT BA KAYO NAGAGALIT NA NAGBABAYAD KAMI NANG TAMA? BAKIT GALIT PA KAYO PAG HINDI NAMIN PINASOBRAHAN ANG BAYAD?
LAGI NALANG KAYONG NANGHIHINGI NG PADAGDAG BAYAD !Puro kayo hingi ! PORKE BA MAHIRAP KAYO? MAHIRAP DIN NAMAN KAMI AH. PAREHO LANG TAYO!
TAMA BA NA MANDAYA NG KAPWA MAHIRAP? Hindi tumatae ng pera ang nga magulang namin. Sana maisip niyo yan.
AT KASALANAN KO BA KUNG MALUGI KA ? BAKIT, NANGUTANG BA AKO? NINAKAWAN BA KITA? NAGBABAYAD NA NGA AKO NANG TAMA AKO PA PAPAGALITAN MO!
Jackpot ka sa amin kanina dahil marami kaming naisakay mo tapos lugi ka? Saan banda? Swapang ka lang talaga!
At malayo sa downtown? Gaano ba kalayo ang eskwelahan ko sa mall (downtown) para magpadagag ka ng 8 pesos? 8 kilometers ba ang idinagdag sa layo ng pinanggalingan ko sa pupuntahan ko?
Hindi di ba? Dahil kung tutuusin, pwedeng lakarin ang skewalahan ko papunta sa downtown. At kung sisipagin, pwede Kong lakarin papunta dito .
At kapag wala na siyang maisagot dahil alam niyang di ka niya mauutakan , trust me. Mag ba bargain yan.
Driver: Kahit gawin mo nalang 15 ang pamasahe mo Ga.Dagdagan mo nalang ng tres
See? Siya mismo ang nagcontradict sa declaration niya ng official fare. Kung TAMA siya na 20 nga ang pamasahe, he won't bargain into a lower price.
Sagot: (with taas kilay ) Sa susunod kuya, wag ka na mang abuso ng pasahero. Hindi lahat ng pasahero, maloloko niyo! Malas mo lang dahil matalino Ako.
---
Edi nasupalpal siya for the first time? Hahaha.

BINABASA MO ANG
Twisted thoughts
RandomThe writer is twisted. Bear with it. A twisted mind writes unique thoughts.