Pananghid

5 0 0
                                    

Sa tinagal-tagal ko dito sa mundong 'to at sa ilang taon ko nang paulit-ulit na naririnig pero ngayon ko lang naintindihan kung bakit kailangan nating nagpaalam bago umalis.

Kailangan nating magpaalam sa mga magulang.

Kailangan nating magpaalam sa kung sinomang kasama natin, sa maiiwan natin.

What brought me to this realization is when a certain memory of mine came back to me habang ako'y nagmumuni-muni.

Nakaugalian ko na talaga na hindi magpaalam sa mga magulang ko bago ako umaalis ng bahay, at nadala ko yun kahit pagkagraduate ko ng college. Hindi pa rin ako nagpapaalam sa mga kasama ko sa dorm during review days. At Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pinapagalitan ni ate Jelly.

There was this time na nagkamali ako ng jeep na nasakyan. Naligaw ako at mahaba-habang paglalakbay din ang nangyari bago ako nakauwi sa dorm.

Pagdating ko sa dorm, nagtaka ako. Bakit hindi man lang sila nagtaka? Bakit hindi man lang nila ako hinanap gayong nauna pa akong sumakay ng jeep pauwi tapos ako yung pinakahuling dumating. To think na alas-singko ang uwian namin sa review class tapos alas-otso na ako nakauwi?

Bakit di man lang sila nagtaka at nag-alala? Wala man lang missed calls, texts, chats, o kahit sana salubungin ka man lang ng: "oh, bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?"

Wala. Wala talaga. Ang matanggap ko sa kanila ay isang "oh, andito ka na."

At ng tinanong ko sila ba't ganun lang reaksyon nila, Ang sabi, dahil sanay naman na sila. Naliligaw na ako at naiiyak pero ang iniisip pala nila eh baka na gumala lang ako, at natural lang ang lahat.

Kapag nagpapaalam ka, at bigla kang nawala, mas madaling mag-alala ang mga tao at mabilis kang maireport na missing.

Kapag nagpaalalam ka, malalaman nila kung saan ka huling hahanapin at kung hanggang kelan lang ang time limit mo doon. Kapag lumagpas, alam na nilang may nangyaring masama sa'yo.

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon